New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 111

Threaded View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #9
    kumakain ka ba ng aratilis?
    Tried, pero dehins ko gusto ang lasa.

    nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa
    binilog na tanggkay ng walis tingting?

    Madalas akong ma-pingot ni nanay dahil sinisira ko daw yung gumamela nya. :

    pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan
    maglaro pag di ka natulog?

    In my case, lola ko. Na-miss ko tuloy lola ko.

    marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber,
    luksong tinik?

    Tsampyon ako dyaan!

    malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
    Atari ang uso nung kid pa ako. Wala kami nito, mahirap lang kami eh.

    addict ka sa voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
    Gumagawa pa ako ng Voltes V at Mazinger nun mula sa mga lumang tsinelas.

    marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy
    disk?

    Mas matanda pa sa wordstar ang alam ko. Una kng gamit ng diskette eh yung single sided-single density.

    gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
    Gell uso 'nun. Dippity-doo gamit ko.

    alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time
    space warp chant?

    How can I forget

    idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers
    Dahil kay McGyver eh nahilig akon mag-DIY at nahilig mag-improvise. McGoyo ang tawag sa 'kin nung mga dati ko'ng office mates.

    nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
    Madalas

    inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na
    ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

    Chocolait at Choco-vim. Yung Sunkist nun nasa triangular pack pa.

    alam mo ang kantang "gloria labandera"..lumusong
    By heart. Up to now. ha ha ha

    inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
    Ginagawa kong floater para sa bingwit.

    meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon..
    aminin?

    Andrew E. fan ako. Current favorite: sinabmarin

    laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
    Hay. miss na miss ko na talaga lola ko.

    bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at
    yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

    Madalas, may texas ako'ng kendi sa bulsa.


    Pre, magkababata tayo.
    Last edited by nicolodeon; May 16th, 2005 at 05:28 PM.

Kababata ba kita?