Results 21 to 30 of 111
-
May 16th, 2005 08:18 PM #21
*kumakain ka ba ng aratilis? - oo naman. may puno kami ng aratilis sa bahay namin dati eh.
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa
binilog na tanggkay ng walis tingting? - hahaha. oo.
*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan
maglaro pag di ka natulog? - oo, sabi ng nanay ko di daw ako tatangkad pag di ako natulog sa hapon eh.
*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber,
luksong tinik? - patintero, langit lupa, luksong tinik lang. di ko alam yung teleber-teleber... bakit walang agawang base dito?
*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? - oo
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a,
b, a, b, start? - 100 lives yan sa contra diba?
*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing
Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard
Gomez? - wala ata. puro top 40 yung tshirts ko dati eh. pero naaalala ko si richard gomez na nag rorowing. yun yung commercial ng bench dati eh.
*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats,
bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na
hindi pa translated sa tagalog? - voltes v lang tsaka daimos.
*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo
ang puting panty nya? - oo, pero type ko yung zuk samurai nya eh.
*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy
disk? - oo. tapos nung wordstar gumamit din ako nung sidekick, pang edit ng mga program, para mabilis mag debug.
*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya
bodgie at ate sienna... - hinde.
nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210? - hindi din.
*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo? - hindi din. ang gamit ko nun, super stiff na gel.
*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na
mighty kid kung lalake ka? - wala akong mighty kid. spartan meron.
*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa
slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo? - hindi din.
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at
luging-ging? - si manag bola lang. sa batibot.
*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time
space warp chant? - di ko ata alam to.
*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers? - oo. si kasin larry.
*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati? - oo.
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala? - oo. pulang pula pa yung phone nun. tapos ang babaho ng mga phone booths.
*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi
bata"? - oo.
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na
ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref? - oo. may papel pa yan na stopper, ang hirap buksan nun, minsan nalalaglag pa sa loob ng bote.
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa
mga kaklase mo? - oo. yari sa lata.
*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory? - oo.
*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"? - hindi.
*alam mo ang kantang "gloria labandera".. - oo
lumusong
sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"...
hehehehehe?
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe
action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square? - oo. tsaka yung pisong pwedeng tunawin para maging bala ng M16.
*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa
kantang tong-tong-tong...
diba naninipit yun?
*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng
puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano
binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno? - hindi ko ata alam to.
*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon..
aminin? - meron. humanap ka ng panget tsaka andrew ford medina.
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka? -
*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at
yung kending bilog na sinawsaw sa asukal? - oo.
*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga ****o tapes ng tatay mo na nasa
BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang ****i as BOLD? - nyahahaha. uso nung yung TABOO.
*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo? - oo. actually, nung elementary ako. may balita nun na magugunaw din daw ang mundo dahil nag align into one straight line ang planets eh.
KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... - oo naman.
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG
PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS
MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? - yup yup yup.
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Mar 2003
- Posts
- 637
May 16th, 2005 08:27 PM #22*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at
yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
-
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Oct 2004
- Posts
- 2,315
May 16th, 2005 09:08 PM #24ang time space warp may explanation pa!
um shigishigiwaka shigi uwa um shigi shigi... paulit ulit lang yan. Tapos pag maglalaban may parang kanta na ahhhhhhhh tapos tenenentenenen
arb bazooka bubble gum po, bazooka joe ang comics
-
May 16th, 2005 09:11 PM #25
Ampucha damatans na nga ako! Lahat halos alam ko or ginawa ko. Hehehe.
Madami pa tayo nakalimutan like:
Benneton shirts.
Sperry Top siders
Sebago
Penny loafers
Grosby? :D
Bla bla
Break dancing and strut. :D
Studs and spiked harido ala punkista
NEW WAVE songs tsaka Menudo. hahaha
Bagets movie
folded sleeves
Baston na pantalon na may zipper sa tabi or perhaps stretch jeans.
Crispa vs. Toyota
Dipity doo and Dep gel. Minsan wellaform.
ATBP.Last edited by mikaztro; May 16th, 2005 at 09:16 PM.
-
May 17th, 2005 12:33 AM #26
gumawa na ako noon, aratilis shake..pipigain mo lahat ng pulang bunga nito kasama na din yung mga nalalaglag sa sobrang kahinugan sa isang baso at hahaluin ng husto. lagyan ng asukal at ilagay sa ref. ayun ARATILIS SHAKE.
paborito ko sa patintero yung PATOTOT...tanda ko na rin.. pero sarap sariwain no?
-
May 17th, 2005 12:43 AM #27NEW WAVE songs tsaka Menudo. hahaha
sinayaw pa namin dati yan...
how about the movie Ninja Kids? sabi ni Herbert Bautista baliktarin ang damit para hindi mawala...hahaha
-
May 17th, 2005 12:52 AM #28*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo
ang puting panty nya?Namimiss ko na siya hehehe...
*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga ****o tapes ng tatay mo na nasa
BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang ****i as BOLD?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2004
- Posts
- 119
May 17th, 2005 12:58 AM #29Inaalala ko pa kung ano ang nationality ni Balky sa perfect starngers. Mutan ko na sa sobrang tagal hehehe. And do you guys still remember the tv show TODAS? Miss that show
Saka yung stan smith na addidas. Miss ko na yung model na yunLast edited by Mardim; May 17th, 2005 at 01:02 AM.
-
May 17th, 2005 01:09 AM #30
parang nauna pa yata yung spartan keysa sa grosby di ba? or mas matanda pa ako sa inyo? hehehe sa SM Quiapo pa binili ni erpat..
naalala ko tuloy yung una kong skateboard na kahoy..bago lumabas yung fiber glass..yung yoyo ko rin kahoy, bago lumabas yung coke, sprite & royal na fiber glass na rin..
parang some of the countdown timers along taft ave manila, aren't functioning today... or am i...
SC (temporarily) stops NCAP