eh yung baril de tansanpagandahan pa kami ng design noon hehehehehe
I'm much older than all those, but I'm proud of it, because during those times, life is simple and slow.
correct! meron kami nyan noon. kasi yung jeep ni papa may bayo-bayo. ang tawag sa pioneer na yon DE BOLA. ang luffet non men!Originally Posted by BoEinG_747
parang wala akong nabasang nag-suot ng VANS ah! eto pa naman fav ko. yung may hawaiian na design.
lagyan na natin ng sound track ng APO hiking society...yung Nagsimula ang lahat sa skwela... ok na. baka maiyak tayo.![]()
steve este silhoutte, yup meron ako vans nung 80's(navy blue), cream na sperry topsider at maroon na sebago. tanda ko pa lahat ah, ehehheh. me turboy din akong shirt at pinahihiram pa ko ng father ko ng colt galant na may gotti mags. reminiscing.
VANS na sa cartimar binili, pinagipunan ko pa yun, pati BMX na mongoose o redline. lancer na EL o Toyota LB na naka- advan na mags
PT-6 yun..heheheOriginally Posted by BoEinG_747
nagkaroon ako niyan sa BMX na may side car..Pioneer na 8 track tape player ang head unit..Old School..hehehe
kabataan ko wala pa walkman..ngayon bunsoy ko naka ipod na..
kabataan ko kabisado ko boy scout flag signals..ngayon kausap mo kahit sino saang lugar ka man hagip ng cell sites..
kabataan ko uso beatles haircut..ngayon semikal na..
kabataan ko sa kawali iniinit tirang ulam..ngayon pede na sa microwave..
kabataan ko pinapalakol ko kahoy panggatong sa sinaing..ngayon lpg na..
panahon ko kubeta yoong hinuhukay mga 3 meters lalim tapos latagan ng kawayang flooring at me butas sa gitna para doon sasalampak pag nagbobowel movement..ngayon ceramic toilet water closet na..
panahon ko ang lutuan compacted na lupa ang kitchen counter top + clay pots gamit..ngayon 4-5 burner cooking range with oven & electric exhaust hood na..
at saka na iba..![]()
Last edited by 2004lynxghia; May 17th, 2005 at 07:52 PM.
nakakatuwa naman irelive ang childhood days...hehehe...ang mga bata kaya ngayon paano?mukhang concentrated nalang sa gadgets eh...gameboy,playstation or cellfon....
pioneer na ang tape ay 8 track na neon ang label, led bulbs na patay sindi, kasabay ng music. Jeepney na may ilaw ang hub sa gulong.
Originally Posted by hens
korek ka jan ...sir hens....noon araw bayuhan ng sounds sa side car pa lang ...hehehe...lalo sa SAMPALOC
O.T.....galing naman ng driver ng mga jeepney noon araw...halos konti na lang ang space ng windshield nila .baka 4 inches na lang yata ang clearance non.nakakapagdrive pa sila non..hataw pa sa bilis lalo na iyon kung tawagin ..ay PATOK....
napapatugtug kaya nila lahat ng tapes na nakalagay sa harap nila ...hehehe
quik- yes bazooka pala yon.
sa sperry top siders ang lace ay ginagawang naka round or rolled. at kung minsan tini tape ng duct tape pag sira na ang harapan.
also espadrilles (tama ba spelling)
tretorn
k-swiss
Originally Posted by silhouette
alam ko yan! yung colorful na cheezcurls! hahahahhahaha! manamis-namis!!! pero di ko kayo kababata, kasi mas bata ako sa inyo.
di ba shigi shigi yung sa shaider.
When I was a tod, medyo exposed ako sa new wave music. hehehehehehe. Yung 2 kuya ko and isang ate ko, yun ang kababata mo kuya mon. hahahahahha
hehe. ok lang. basta kababata. kasi yung nauna sa amin katatanda ha eh. haha.Originally Posted by carlocaraddict
joke lang mga sirs!
![]()
...and knowing is half the battle! Yo! Joe!Originally Posted by BoEinG_747
in a town far, far from the madding crowd..
kabataan ko ang usong sayaw twist..ngayon pagulung-gulong na inuso ng mga egoys..
kabataan ko ang ilaw sa gabi coleman o petromax o cant afford gasera..ngayon sandamukal ng pinlights at hid floodlights..
kabataan ko rubber shoes ko custombuilt o elpo..ngayon me gel-filled, reflectorized running, tennis, basketball, football, golfball. etcball shoes na..
kabataan ko pomada dixie-pixie o brillantine..ngayon di ko na alam kasi di naman ako nagpaparlor, anoh..
kabataan ko outdoor swimming sa ilog, squeezing into caved-like adobe underwater structures..ngayon spas, at snorkeling in expensive tourist spots na..
itutuloy..:grin"
pre, mas matanda ata ako sa yo. ang payphone dati kasi apat na 10-centavo coins lang hindi tatlong 25-centavo coinsOriginally Posted by silhouette
nasubukan mo bang paganahin ang payphone using two 25-centavo coins? yan ang style dati e. nasa wrist at finger action lang yan
dati pagdating mo sa edsa, ang bilis ng takbo ng mga auto. tuloy tuloy talaga. at daming nagkakarera sa slex 9pm pa lang kasi ang luwag at ang ganda ng kalye
sinong nakaka-alala sa northmall? sa base 2010? i remember nung opening ng mcdo greenhills. daming tao. may mga artista pa. pag gumimik ka nun pag gabi, siguradong magkakakita kita kayo ng mga kakilala mo kasi kokonti pa lang ang gimikan noon.
eto pandagdag: yung isang lolong kausap ko, tinanong ko, bakit ang mga pictures dati ang suot ng mga tao puro naka coat (amerikana). sabi ko, di ba mainit? sabi niya, hindi daw. malamig daw. pag tumayo ka nga daw sa edsa-boni, kitang kita mo daw hanggang valle verde. ayos.
at ang EDSA noon araw ...puro rotonda..like ng sa MORATO at WELCOME....i think iyon sa ...TIMOG -edsa ..AT QUEZON.AVE- edsa.....wla pa underpass ang cubao non...hehehe