New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 42

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #1
    i remember a story na nabasa ko sa isang tabloid tagal na. reporter sya ng tabloid na nabasa ko. nag da drive daw sya papunta ng bandang CCP (central colleges of the phils), ng biglang may tumalon galing sa taas ng center island (which is lagpas tao ang taas) na lasing. eksaktong pag daan naman nya. sa hood ng FX nya bumagsak then humampas sa windshield nya. patay yung tao. then kinulong sya (di ko matandaan gano katagal). napaisip ako bat di yung bangkay nung tao na na tumawid sa di naman tawiran ang ikulong. bat yung walang kamalay-malay na reporter na maayos na nag da-drive ang kinulong e sino ba naman mag a-akalang may tatalon dun. isa pa nasira sasakyan nya. sows

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Sa province namin, up north, may nasagasaan ng Five Star na lalaki sa highway. Ang ginawa nung driver, noong makita na buhay pa yung mama, inatrasan pa , para siguradong dedbol yung tao. Marami'ng witness. Kinuyog yung driver at pinakulong. Kaso, nung nakapagbayad yung bus company at naayos lahat, pinakawalan din daw yung driver.

    Sabi nila, yun daw ang instruction ng Five Star management. Siguraduhing patay yung masasagasaan, kasi kung mabuhay at nabalda yung padre de pamilya, forever mong susuportahan yung pamilya. Ngayon, kung patay yung biktima, one time na bayad lang sa pamilya, tapos ang kaso.

  3. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    434
    #3
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Sa province namin, up north, may nasagasaan ng Five Star na lalaki sa highway. Ang ginawa nung driver, noong makita na buhay pa yung mama, inatrasan pa , para siguradong dedbol yung tao. Marami'ng witness. Kinuyog yung driver at pinakulong. Kaso, nung nakapagbayad yung bus company at naayos lahat, pinakawalan din daw yung driver.

    Sabi nila, yun daw ang instruction ng Five Star management. Siguraduhing patay yung masasagasaan, kasi kung mabuhay at nabalda yung padre de pamilya, forever mong susuportahan yung pamilya. Ngayon, kung patay yung biktima, one time na bayad lang sa pamilya, tapos ang kaso.
    this often happens sa mga bus lines. the reason is money. cheaper mag bayad ng patay than magpa gamot ng buhay. loko din mga insurance e. oh yea. heard from our driver. some bus liners actually ask the applicant drivers if they had done such act (yung aatrsan) its one of the criteria daw e. tindi ng pinas.

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    628
    #4
    i always pray that i will not experience this, kaya kahit nakakainis mga pedestrians sige na lang ... go, pinatatawid ko to the max (the road trip home crosses a public market). i also pray never to hit a dog or cat, kasi pet owner din ako

    pero just last Dec, i ran over a cat in bangkal makati area one rainy night ... there were 2 of them apparently. it happened so fast, the 1st one made it across because i hit the breaks but the poor 2nd one went under my right front wheel. i felt a thud but did not stop anymore. i felt bad for a couple of days and also hoped that the cat went to heaven ...

  5. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #5
    not a puppy pero madalas kapag tag-ulan, tapos aalis ka ng mga around 5:30-6:30 am madalas makadurog ako ng palaka sa kalye

  6. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #6
    Basta ako nakatapak na ako sa brake kapag may nakikita akong mga tao bubusina din ako.Minsan kase sa kabilang direksyon sila nakatingin instead na sa paparating na sasakyan eh.

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    179
    #7
    kaya bumili ako ng bagong busina...yung nautilus para marinig nila ako.

    tanga kasi e. nakakapikon.

  8. #8
    muntik na ako ma-experience to..noong gamit ko ang heavy 4wd-delica ko with center guard... accident, kasi nasagi ng naunang van sa akin ung manong na nag-bibike sa gitna ng daan, nawalan ng control, e kasunod ako, no where to go, no time to turn a high-standing 4wd van safely..in short, nasalo ko ang kasalan nang nauna sa akin! kaya ako na pinagbigtangan ng mga nakakita! nanyari to after ng between ng tulay after TIP-manila and before sa stoplight na before sa paliko sa malacanyang..

    the good thing is di siya tumama sa center guard, ung bike lang ang nadurog sa ilalim, ung dent sa right-front sa former van ko will be the reminder na tumama si manong dun.. buti the van skid-stopped 2-inches before umabot yung right front tires ko sa side nya..i rushed him to the nearest hospital, private one, ung sa UN-ave, not sa PGH(tatawid pa kasi at emergency,e...)

    dad and mom take care of the bill, uzi's, lying witnesses and the police....and i drive now with utmost care and hate to bicycle/motorcycle riders who disregard safety and rules, na sure silang sila ang papaboran ng batas kaysa sa ating mag naka-4wheeled vehicles!--> i give them an annoying HORN if they get on my nerves..



    ps > ako pag nagddrive iwas ako sa mga animals din, tingin sa ilalim.. binubusinahan ko sila/ kung makaakiwas, iiwas ako...hindi ako pro-life and respect sa animals..pero...isipin naman nyo....

    [size=2]kadiri namang habang naglilinis ka, may makuha kang paa/body part ng animal sa tapaludo/sa ilalim ng sasakyan mo...paano kung nagalaw pa! YAAAAAKKKK![/size]
    Last edited by alwayz_yummy; May 8th, 2007 at 05:43 PM.

  9. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #9
    dont wanna think about it.....for that will be the last happy days of your life.Swerte ka kung dika kulong or lamog sa bugbog ng mga uzis.
    The key word is discipline, for the drivers and the pedestrians as well.

  10. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    1,266
    #10
    I ran over a big dog at Kennon road once and I tried to stop to take a look at its condition para maayos ko dun sa may ari pero hinabol ako ng itak ng me ari so I have to make a quick escape and think of my self preservation first. Tumawa pa nga nung nakitang kumaripas ako ng takbo. *&*^^**

    It was not the running over of the dog that angered and frightened me. It was the reaction. If it was his intention to scare me, it was foul. That kind of reaction was OA and overboard. How much more if you run over a person?

  11. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    800
    #11
    ako nakasagasa na ng bata mga 2002 pa.. bad trip nga e aksidente talaga. paakyat ako sa camp7 along kennon road mga 6 am so naturaly nakabwelo ka bihira pa kasi sasakyan ng ganun kaaga, e yung sinusundan ko na L300 Fb delivery van ng mister donut nagpasabit ng mga bata na nagtitinda ng pandesal, natural limited ang kakapitan kasi L300 FB, e nahulog ba naman yung isang bata tapos yung FB e tuloy tuloy lang, tumakbo buti nakuha ko plate number.. nung nahulog yung bata siyempre ako kasunod, ako nakasagasa, pero buti medyo 5-10 mteres ang layo ko sa FB kaya nakapreno pa ko, d masyado umilalim yung bata. tinakbo ko sa hospital buti konti sugat lang natamo nya. hinanap ko yung isa driver at naghati naman kami sa gastos.
    cguro mga 2 nights din ako hindi nakatulog nun.. bata pa ko nun e first year college.. tagal pa nirelease yung license ko kasi dami pa clearance, etc. etc..

How does it feel like to run over a person?