New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 21 to 39 of 39
  1. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    190
    #21
    in case you want to make "palo", never out of anger.
    explain the reasons.
    after the "palo", i always hug them and tell them how much we love them.
    kahit na kakalbo na ko sa kakulitan nila.
    2 kids, both boys (a 3.2 & 1.7 yrs old)

    btw, guys.
    this is a wonderful thread.
    exchanging notes.
    thanx.

    peace.:D

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,107
    #22
    happiman,
    Dami kasi akong katrabaho na namomroblema sa teenagers nilang mga anak (lalo na sa babae). Yung iba 9 years old pa lang may BF na. Yung iba 11 pa lang nanlalaki na.... ang masama, yung isa 13 years old pa lang may panganay na.... buti pa dyan sa atin may takot ang mga bata.... dito nakakatakot ang mga bata bunga na rin marahil sa dami ng mga paki-alamero pagdating sa pagpapalaki ng bata. Pasalamat na lang ako at "the best" si misis pagdating sa bata 8)

  3. Join Date
    Jan 2002
    Posts
    366
    #23
    ako nman i know my limitations... di nako kailangan pag-sabihan.. nway syempre there are times lumalagpas ako, pero nakakabalik naman... masyado mabait parents ko kaya di ko kayang gumawa ng grabeng kalokohan like drugs, ect... kung gimik and barkada, walang prob sa papa ko, basta paalam lang ako, kasi sya mismo gimikero eh, minsan puntahan ko pa sya sa place nya... pero usually una pa sya umuuwi sa kin...

    when it comes to boys, kakausapin lang nya and medyo i-wawarned... medyo suplado din sya sa mga boys namin eh... chaka secured sya na di ko sila seseryosohin :mrgreen:

    mom ko naman she knows all my secrets... she`s not only a mom to me, but sister and bestfriend...

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    37
    #24
    Share ko lang ang sa akin...

    Nung maliit pa kami, halos sa nanay lang kami lumaki dahil OFW ang tatay. Since 3 yrs old up until now, 28, nasa KSA pa rin siya. So you can say na halos wala akong tatay sa paglaki. So I cannot comment sa pagpapalaki ng tatay. But my mom, grabe galing niya. Nung maliit pa kami strict talaga. Pero when HS came, totally kabarkada talaga namin siya. Ibibili pa niyan ako ng beer para panginom namin ng barakada sa terrace. Hanggang nung mamatay siya, talagang barkada namin siya. At ang isang pinaka-maganda niyang way niya na pagpapalaki nung may isip na kami (above 7 years), HUWAG NA HUWAG MAGSISINUNGALING. Kahit na may nasira o kasalanan ka, sabihin mo. Walang magagalit at mapaparusahan, pero siguradong may ipagagawa para mai-correct mo ang mali. Oh well, kahit naman ang tatay ko ganun din. Kaya suwerte kami.

    Sa anak ko ngayon, at sa magiging anak ko (buntis kasi misis), ganun din. For now, may palo at pinagagalitan pag may nagawang mali. Pero sinasabi naman ang explanation after pagalitan. When they have their reasoning, pareho din gagawin ko kagaya ng parents ko. Walang magagalit basta sasabihin ang totoo.

    This style of upbringing brings very good results. Lalong lalo na sa seff esteem at assertiveness ng bata. I can compare this kasi sila misis todo pagalitan at palo to death and parusa nila. In the end, naging mapaglihim sila at napaka-baba ng self esteem nilang magkakapatid. Nakapa baba ng assertiveness nila.

    Kaya yung anak ko ngayon ang taas ng learning speed niya dahil alam niya na hindi siya pagagalitan basta sasabihin niya ang mali. Basta oras niya ng computer bahala siya kahit anung gawin niya using his own computer or his own account pag computer namin gamit niya. Yun nga lang, negative impact eh sumobra galing niya sa computer. Yung simple password naming mag-asawa sa account namin natutunan na niya (looking and remembering while we type it) because he needs it for admin access to some programs... Now we have to put a very difficult password... BTW, he is only 3 years and 21 days old...

  5. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #25
    Quote Originally Posted by kiper
    tatay ko hindi kami naturuan ng ganyang disiplina..

    kasi palaging wala sa bahay.

    he was never been a real father to us.
    too bad, that's the worst thing that a son/daughter can say about his parents.

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #26
    gretzy,

    oo nga eh..

    saintluci,

    astig ung anak mo ha.. hehe..

    pnay_fickle_minded,

    naiinggit ako sayo..

    kimpOy,

    parang nabasa ko na sa ibang thread ung sinabi mo?

    happiman,

    yan ang tanging ama..

    Macky,

    iba pa rin culture ng pinoy..!!:P

  7. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #27
    ampangit nga ng nakikita na nag-aaway ang mag-asawa sa harap ng anak.

    i'll share to u my experience wid this... i rember when i was 7 n my sister 2... 1 day dumating sa bahay mom ko na umiiyak, nahuli nya daw na may babae si papa, sobrang kaba ko nung dumating dad ko, di na napigilan ni mama inaway nya si papa sa harap namin ng sister ko,i was shaking with fear n anger but i don't want my sister to see me cry, hoping to at least calm my sister, so i tried my best to hold those tears, nagsisigawan sila sa harap namin, namumutla na ung sister ko, tho' she can't understand what's happening she knew something's wrong. Maya-maya dumating lola namin who lives beside us at kinuha kaming magkapatid, after that, ayaw ng bumalik ng sister ko sa haus, she was traumatized, the mere sight of our door made her cry, i was even bribing her wid my new toys just to take her inside but i was never successful, she lived wid my lola for months, i can't remeber na what happened after that, n how she came back to us, i think i was so young then...

    but my sister is so ok now, very pretty n intelligent, always on top of her class, i don't think she remember anything about this.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    114
    #28
    Apat kami lalaki We grew up very poor. Our dad died when I was only five. Very strict and namamalo ang nanay ko. I really admire her bringing us up dahil kahit ganoon ay walang tarantado sa maing apat [ako lang medyo siguro]. Growing up poor is a blessing na rin siguro dahil ni minsan hindi namin pinag-awayan magkakapatid ang pera. And I thank my wife so much for understanding everytime I give my brother money.

    And for my kids, I try to be patient pero I do spank them whenever they go over the line. But I always tell them the reason why I did so. And I always make it a point that I keep my promises. And so far I haven't broken any. If they ask me and I know I could not give or do, I always just tell them I'll try. Ang mga bata, for every ten na you did good for them, they'll probably remember a couple. But they will remember every single broken promise or spanking you gave them...

  9. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #29
    never na namalo dad ko, mom lang. pero ineexplain naman kung ano ung mali namin.

    tanong ko lang sa mga parents.... di ba pag may ayaw kau na ginawa ng anak nyo tatanungin nyo bat nya ginawa, tapos pag sumagot sya sasabihin nyo sumasagot-sagot na sa inyo. 8O gulo talaga niyan.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    114
    #30
    Quote Originally Posted by gretzy
    never na namalo dad ko, mom lang. pero ineexplain naman kung ano ung mali namin.

    tanong ko lang sa mga parents.... di ba pag may ayaw kau na ginawa ng anak nyo tatanungin nyo bat nya ginawa, tapos pag sumagot sya sasabihin nyo sumasagot-sagot na sa inyo. 8O gulo talaga niyan.
    You'll be surprised kapag nag-explain ang bata, a lot of times they make sense. I see a lot of dads [lalo na sa Pilipinas], na pinapalo ang mga kids just because [for me] ay naubusan lang sila ng pasensiya. For me, bata is bata kaya extra pasensiya lang. I can never forget one time while my wife and my older one were sleeping [wala pa bunso ko noon], I was in bed with them pero naka-stare lang ako sa kanila when my daughter woke up. She put her hand in my face and said, "I love you daddy" and she went back to sleep. I did cry and will never forget that.

  11. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #31
    jesi, nangilabot ako dun, that was so sweet of her! :wink:

    a child's thought is really great, so innocent n so amazing. :wink:

  12. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    719
    #32
    Quote Originally Posted by ryan_pogi
    in case you want to make "palo", never out of anger.
    explain the reasons.
    after the "palo", i always hug them and tell them how much we love them.
    kahit na kakalbo na ko sa kakulitan nila.
    2 kids, both boys (a 3.2 & 1.7 yrs old)

    btw, guys.
    this is a wonderful thread.
    exchanging notes.
    thanx.

    peace.:D
    ako naman ganito, pag napalo ko anak ko nuong maliliit (4yrs to 6yrs old)
    kahit hindi talaga ako galit, i acted na galit ako and never na aamuin ko sila after na paluin. may usapan na kaming mag asawa na kapag ako ang pumalo, asawa ko ang lalapit sa anak ko. ipapaliwanag nya kung bakit sya pinalo ang then tuturuan nyang umamin ng kasalanan yung anak ko at mag sorry sa akin para hindi na ako galit. so, pag hingi sa akin ng sorry ng anak ko, hindi agad kami bati, ipapaliwanag ko pa uli sa kanya ang dahilan kung bakit ko sya napalo. ang dulo ng drama ko ay yung tanong na naintindihan mo ba yung sinabi ko? wag mo ng uulitin yung ginawa mo...kapag sumagot ng upo yung anak ko saka ko sya yayakapin hahalikan at mag lalaro na kami. kaya bihirang maulit yung mga gawa nilang mali sa ganun sistima ko. yung ibang bata kasi kaya paulit-ulit ng kakulitan (ex, nanakit ng kapwa bata) eh parang hindi tama ang pagpapaunawa sa murang isipin nila ng desiplinang gusto nating gawin sa kanila.

    kapag ikaw kasi ang pumalo at ikaw din ang aamo baka iba ang maging dating noun sa bata.

  13. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    719
    #33
    Quote Originally Posted by Macky
    happiman,
    Dami kasi akong katrabaho na namomroblema sa teenagers nilang mga anak (lalo na sa babae). Yung iba 9 years old pa lang may BF na. Yung iba 11 pa lang nanlalaki na.... ang masama, yung isa 13 years old pa lang may panganay na.... buti pa dyan sa atin may takot ang mga bata.... dito nakakatakot ang mga bata bunga na rin marahil sa dami ng mga paki-alamero pagdating sa pagpapalaki ng bata. Pasalamat na lang ako at "the best" si misis pagdating sa bata 8)
    malaki talaga ang papel ng ina sa pag desiplina ng mga anak.
    mahirap talaga dyan sa inyo, kasi pwde kang ireport sa pulis ng kapitbahay mo kapag nakita nila o nadinig na pinapalo mo anak mo. ang style naman ng mga pinsan ko dyan sa state eh sa loob sila ng toilet nag papaluan (for discipline purposes syempre) para hindi madinig ng mga kapit bahay.

    mahirap kasing mag disiplina sa mga anak kung madaming nakikitang hindi maganda sa paligid. ang dapat mong pag aralan,lalo na kung babae ang anak mo, ay kung anong trato o disiplina ang gagawin mo sa kanya pag dating dun sa adolescence period. kung ako siguro may anak na babae dyan sa state ay talagang i'll see to it na talagang madami kaming quality time together. i will even ask my wife to know personally who are her friends. kapag medyo may malanding kaibigan, kailangan habang nasa adoloscence period pa lang paiwasin na sa mga ganun barkada. paliwanagan na kung bakit ayaw nyo syang pabarkadahin duon. sa experienced ko kasi sa mga anak ko, kung ano way nila nuong teenager pa sila ay halos ganun na din sila ng mag silaki. yung friends nila ng high school ay yun pa din ang barkada nila kahit na nasa college na sila.
    Just always hope for the best for your child. :D

  14. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    719
    #34
    Quote Originally Posted by jesi
    And for my kids, I try to be patient pero I do spank them whenever they go over the line. But I always tell them the reason why I did so. And I always make it a point that I keep my promises. And so far I haven't broken any. If they ask me and I know I could not give or do, I always just tell them I'll try. Ang mga bata, for every ten na you did good for them, they'll probably remember a couple. But they will remember every single broken promise or spanking you gave them...
    you have a good point regarding no broken promises to your child.
    in my case i stopped spanking my children when they reached the age of 7. puro pag mamahal at diplomacy na ang ginamit ko sa kanila. at the age of seven ay pwede ng mag rebelde ang anak mo kapag sinaktan mo at siguradong hindi na talaga nila makakalimutan ang mga palong aabutin nila.

  15. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    37
    #35
    Quote Originally Posted by kiper
    saintluci,
    astig ung anak mo ha.. hehe..
    boss kipper,

    konting OT lang, oo medyo malupit anak ko... nauna mga motor (at computer) skills niya sa language skills. Ang pinagkakaabalahan niya ngayon Mech Warrior, Hyper Bowling at Star Wraith. Tapos na siya sa Counter strike at Jano (Diablo)... hehehe... One drawback lang, SOBRANG LIKOT!!! wala pang nakakita sa kanya na nagsabing ang tahimik niya... Just imagine, nasira na niya one time ang power supply ng PC ko... How in the hell did he do that? Pero ok lang... diyan natututo ang bata... sa paglilikot... I actually see myself in him when I was young... Nasira ko rin nung maliit ako ang TV, plantsa, amplifier, tape deck, and many other electronic gadgets...

    Di naman ako nagisisi na natuto siyang mag-explore (at magsira) at ng mga games... meron pa naman siyang mga educational like Reader Rabbit, Dr Suess etc... Between 1-1.5 years alam na niya numbers at alphabets... dahil sa computer... though most of the times, traditional learning din kami like reading...

    Kaya sa mga magulang dito, here are my comments

    1. Let the child explore on his own. Pagnasaktan, let him feel it that he may learn on his own how painfull it is. Although prevent him from things like falling the stairs, kuryente etc...
    2. Ang mga bagay na nasisira eh bagay lang yan na maaring palitan. Pero ang intellectual growth ng anak mo by exploring (and sometimes damaging things) is priceless.
    3. I grew up in a school where preventive system is implemented (Hello sa mga Bosconians diyan). I think this system is applicable to very serious things like drugs, crime and other heinous crime. But I don't think is is applicable to basic exploration attitudes of children and sometimes to us adults. Sabi nga ng iba, "let the children play."

    Let me give you another real life example... I have a half-brother na 1.5 years lang tanda sa anak ko. Since yung tatay namin at madrasta ko eh matatanda na, todo higpit sila dun sa half brother ko, from walking ("MADAPA KA DIYAN") to any simple thing.... Pag uwi nila dito, nagmukhang aanga-anga nung i-compare sa assertiveness ng anak ko...

  16. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #36
    Sa amin, nakatulong din na lumaki kami sa hirap. Ang pangaral lang ng tatay at nanay ko sa amin, kung ayaw ninyo ng ganitong buhay, mag aral kayo. Tingnan nyo si tita___ nakapag tapos, kaya maayos ang buhay nila. Kaya naman kahit na hirap talaga kami e pinilit namin mag tapos. Well, nabiyayaan din naman kami ng konting utak kaya naka ahon din thru scholarships. Nung nakatapos ako, bilang panganay, pinagtapos ko naman yung dalawang sumunod sa sakin bago kami nag plan magka anak.

    Sa mga anak ko naman, yung 3 yo ko nakakatikim na ng palo, pagkatapos ko siya mapalo, tinatanong ko siya kung bakit siya napalo, kung naintindihan niya, kapag mali ang pagka intindi niya ineexplain ko sa kanya. Most of the time naman e alam niya kung san sya nagkamali.

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #37
    My kid is still young (1.5yo) pag gumagawa sya ng "bad" stuff we usually let him know right away that what he did was bad.

    We make sure that we dont tell him that he is the bad subject but more on what he did.

    We don't wanna pressure him too much right now coz he's still too young... But so far nakikinig naman sya, di lang nya matandaan after a few hours hehe.

  18. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #38
    About raising great kids DAW

    http://parentcenter.babycenter.com/g...20050725:0:0:0

    Pero I think wala namang foolproof way on raising great kids, kasi depende lahat sa reaction ng bata. Different strokes for different folks(tama ba yun?).

  19. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #39
    sa kid namin pep talk muna, then punishment. effective pa din ang face the wall sa kid namin.
    ang hirap mag discipline lalo pag only kid. mixed emotions, kasi nga nag-iisa lang sila. so lamang ang love.
    i remember nung bata pa kami, tingin lang ng papa namin alam na namin kung ano gagawin. pag sumitsit na, takbo na sa bahay. kasi palo na pag nakadalawang sitsit na. hehe.

Page 2 of 2 FirstFirst 12
how do u discipline ur kids?