nagkakilala kani nung misis ko sa review school (CPAR) that was in 1994, we got married in yr 2000
nagkakilala kani nung misis ko sa review school (CPAR) that was in 1994, we got married in yr 2000
ako last year lang. wala na ko balak mag-asawa kasi 2 times nang na totally devastated, sinagasaan ng pison, nilagay sa blender at pinaputukan ng atomic bomb ang puso ko (korny ko hehehe!) so i was by my lonesome but happy-go-lucky self buying levi's at SM north. kita ko siya. ang ganda! parang crush ko yata ah. hmmmm? kaya lang bata pa, wag na lang kaya...
she looked at me at nag-meet pa eyes namin. smile ako, smile din sya pero tumalikod tinago yung smile nya. abala din siya tumingin ng jeans sa kabilang booth. then she went dun sa levi's section....
"ahh, miss. sa tingin mo bagay kaya sa akin to?" shet ang kapal!
sa isip-isip naman daw nya, "hmmm, bentahan ko kaya ng insurance itong ugok na to?" hehehehe, area manager siya sa philam insurance kasi.
so yun ang umpisa. love at first sight ako. siya naman tingin niya sa akin prospect na bentahan ng insurance. 24 years old siya, ako 38 na.
bigay ng cel number, tawag, text. benta siya insurance sa akin pero meron na ako ayaw ko bumili. lunch date, then dinner that same week. yun na araw-araw na ko dalaw sa kanya. by the middle of the 2nd week everyday na kami lunch or dinner. before the end of the 1 month syota ko na.
umalis ako papunta malaysia after 1 month. nung nasa airport ako sa naia, text ako sa kanya "will you marry me?" sagot nya "bago lang tayo, nagbibiro ka ba? di ka pa sigurado eh." sagot ako "sure na ko, will you marry me?" sagot sya "yes." ayun nasa SM centerpoint pala siya, iyak daw siya dun. ako naman binilihan ko ng beer lahat ng andun sa bar sa airport hehehehe!
everyday text kami via chikka text. plano ng life. usap ng kung ano expect niya sa akin at sa relationship namin.
pag uwi ko 2 weeks later (namatay kasi aunt ko kaya ako umuwi) plano namin kasal namin sa civil. kelan kami pakasal sa simbahan. punta sa aunt saka lola niya, paalam kami (wala kasi parents nya sa manila nasa negros). usap ko parents niya sa phone lang.
kinasal kami that same month sa kaloocan, civil muna. saka lang kami naka-uwi sa negros para i-meet parents nya.
last january kinasal kami sa simbahan.
3 months pregnant na kami. at everyday, pag andito ako sa work, chikka text pa rin kami. almost 50 text messages per day, minsan sobra pa. sa computer ako sa cel phone sya. di na siya nagwo-work, malalayo kasi assignment nya minsan punta pa siya ng davao o gensan kung may sales promo sila. siya na lang binentahan ko ng insurance hahahaha! insurance na mamahalin ko siya for life!
gleng gleng naman ng love story mo sir happiman at yebo...
na meet ko wifey ko dahil sa CB (citizen band). Sinagot nya ako Nov 26, 1988. Pakasal kami sa huwes may 1992 dahil na tes-bun ko sya (hindi ko makalimutan ung sermon na inabot ko sa nanay nya he he he). Lumabas ung panganay namin Oct, 1992. tapos may dalawa pang sumunod. Nagpakasal kami sa church last year lang (almost 10 years). Ring and bible bearer ung 2 kong lalaki at flower girl ung panganay kong babae. At maipagmamalaki ko lang eh nasaksihan nila ang kasal namin ng nanay nila at hindi na cla magtatanong kung bakit wala kaming wedding pictures.
Yung CB namin?????? nakatago pa din. Hindi ko pinagagamit sa anak kong babae at baka mapalaka ng maaga. Mahirap na.
kami naman, nagmeet kami sa drive thru ng McDo!
that was year 1997... working student ako.. trip lang.. then na-assign ako sa drive thru counter... one sunday afternoon, bigla may nagdrive thru.. "thank you for dropping by McDonald's drive thru service, can i get your order please?" sabi ko... then sagot siya... "2 twister fries nga.." -- basta when he got to the 1st window, saw him... and.. kasama niya classmate ko that time...
came tuesday, (wala kasi pasok sa school tuwing monday), sabi ko sa class, uuuyy, kita ko na bf ni ano... then sabi ng classmate ko, sira! di ko bf yun noh! tas yun, yung mga barkada ko, binigay dun sa classmate ko yung number ko sa bahay (...di pa kasi uso cellphone that time... mga analog na cel lang! hahaha)
ayun... then the rest is history! mag-6 years na kami sa friday! aug.08.![]()
![]()
hehehe...
ang gaganda ng mga love stories nyo a. pwedeng gawan ng mga movies. gawa kaya tayo ng Tsikot.com Productions?
2 na pala ang mga pinoy na nagtanan ng chinay dito sa Tsikot.
Signature
Ako na pala sana ang pangatlo. Sayang things didn't work out. Oh well, I guess things do happen for a reason naman.Originally posted by boybi
2 na pala ang mga pinoy na nagtanan ng chinay dito sa Tsikot.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
Bagal mo kasi OTEP dapat tinanan mo na agad.. para hindi na nakawala.. sayang hehehe
Galing ng Story ni Yebo.......... Yan ang sinabing nila na bilisan mo "Last Trip na " baka maiwan ka hehehehe..
Nagkakilala kami ni esmi sa isang local church.
Then songleader ako doon sa church and doon nagsimula....number 1 fan ko si esmi ika nga...hehehe
I remember I gave her one album like 8 songs yata iyon, just for esmi when I was courting.
Until now she still listens to those songs for about 8 yrs na. Platinum na ika nga iyong album na iyon ...hehehe
Ambilis naman ng thread na to.. :D
We met in amateur radio 2m band in 1990. Joy was curious kung sino at ano meron behind Ungas' handle. Sinama ko sa mga EBs, pero wala kaming balak sa isa't-isa o may mamuong mahalan. I did even encourage her some of the guys willing to date and take her home. As days goes by, nade-develop na pala kami sa isa't-isa. Hanggang sa pati kamag-anak nya nagdududa sa akin kung seryoso daw ako, they find it hard to believe that despite our age gap, we ended up liking what lacks from one another. Then the rest is history.
Originally posted by NightRock
Galing ng Story ni Yebo.......... Yan ang sinabing nila na bilisan mo "Last Trip na " baka maiwan ka hehehehe..
hahahahaha! sabi ko na nga ba may mangangantyaw e hehehe! binilisan ko na talaga hindi dahil last trip pards, kasi dami nanliligaw sa kanya ano! 3 yata yun karibal ko, nakapajero pa yun isa at bigtime. nadaan sa kulit ko e di kasal agad! mahirap na baka mawala pa hehehe!
pero inamin din nya bago kami ikasal sa civil, love at second sight daw nya ako hehehe! laglag daw typan nya kasi mukha daw ako honest at responsible, di gaya nung mga karibal ko. totoo naman eh, nung naging syota ko siya naging honest at responsible ako nyahahahaha!
Originally posted by yebo
hahahahaha! sabi ko na nga ba may mangangantyaw e hehehe! binilisan ko na talaga hindi dahil last trip pards, kasi dami nanliligaw sa kanya ano! 3 yata yun karibal ko, nakapajero pa yun isa at bigtime. nadaan sa kulit ko e di kasal agad! mahirap na baka mawala pa hehehe!
pero inamin din nya bago kami ikasal sa civil, love at second sight daw nya ako hehehe! laglag daw typan nya kasi mukha daw ako honest at responsible, di gaya nung mga karibal ko. totoo naman eh, nung naging syota ko siya naging honest at responsible ako nyahahahaha!
Nababasa kaya ng misis mo to hahahaha...
ako nag hahanap pa, after mag break ala pa ako nakikilala na prospect hehe
langya ka yebo! may tinatago ka palang asim! ahehehe! dati rati puro baril lang pinaguusapan natin (sa kotse pa) tapos kinasal ka na pala! hehe! congrats and Godbless to you and your family! :D
High-school kami. di ko naman siya gaano napapansin for first 2 quarters. Nung mag-birthday siya ng october, hiniritan ko "Bespren, manlibre ka naman!" (kapal!) After that, usap na lagi, tawag sa phone pag-uwi sa bahay. Buddies to the max for 2 years (3rd yr HS kami nagkita). Sangkatutak ang kantiyaw ng buong klase na magkakatuluyan kami pero dedma kami pareho.
After graduation from HS, nag-aminan na kami. Takot ko lang na mawala siya ng tuluyan sa buhay ko kasi di na kami magkaklase. Together ever since. more than 5 years na kami pero natanggap lang ako ng nanay niya nung matapos ako mag-college. Paraniod kasi. Ngayon, mejo maluwag na yung magulang pero di parin ako pwede mag-stay past 10pm sa bahay nila. hehe!
nightrock,
wala kami comp sa bahay, iniwan ko yung comp ko sa bahay ng ermats/erpats ko kaya sure ako di nya to mababasa! kundi pingot abot ko nito hehehehe!
sup,
shooter din si misis! kaya takot ako e hehehehe!
yebo, anak ka ba ni happiman? hehehe
iba talaga tsikot boys, nakakaktakot!:lol:
yung sister nya, wife sya ng cousin ko... sabi sa kin ng sis nya, papakilala nya brother nya sa kin, sabi ko nevermind, ayaw ko, then sabi nya magaganda daw lahat ng mga na-gf nya, and di pa daw sya nababasted, na-challenge ako, ok cge nakahanap na sya ng katapat sa kin sabi ko... oh well, nakahanap nga sya ng katapat sa kin, kaso talo naman kami ng pustahan ng cousin ko coz napasagot nya ko... galing kasi dumiskarte, the more i deny, d more i was being drawn to him... pero 4months bago naging official na kami