High-school kami. di ko naman siya gaano napapansin for first 2 quarters. Nung mag-birthday siya ng october, hiniritan ko "Bespren, manlibre ka naman!" (kapal!) After that, usap na lagi, tawag sa phone pag-uwi sa bahay. Buddies to the max for 2 years (3rd yr HS kami nagkita). Sangkatutak ang kantiyaw ng buong klase na magkakatuluyan kami pero dedma kami pareho.
After graduation from HS, nag-aminan na kami. Takot ko lang na mawala siya ng tuluyan sa buhay ko kasi di na kami magkaklase. Together ever since. more than 5 years na kami pero natanggap lang ako ng nanay niya nung matapos ako mag-college. Paraniod kasi. Ngayon, mejo maluwag na yung magulang pero di parin ako pwede mag-stay past 10pm sa bahay nila. hehe!