New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 9 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Results 21 to 30 of 88
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    536
    #21
    nagkakilala kani nung misis ko sa review school (CPAR) that was in 1994, we got married in yr 2000

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #22
    ako last year lang. wala na ko balak mag-asawa kasi 2 times nang na totally devastated, sinagasaan ng pison, nilagay sa blender at pinaputukan ng atomic bomb ang puso ko (korny ko hehehe!) so i was by my lonesome but happy-go-lucky self buying levi's at SM north. kita ko siya. ang ganda! parang crush ko yata ah. hmmmm? kaya lang bata pa, wag na lang kaya...

    she looked at me at nag-meet pa eyes namin. smile ako, smile din sya pero tumalikod tinago yung smile nya. abala din siya tumingin ng jeans sa kabilang booth. then she went dun sa levi's section....

    "ahh, miss. sa tingin mo bagay kaya sa akin to?" shet ang kapal!

    sa isip-isip naman daw nya, "hmmm, bentahan ko kaya ng insurance itong ugok na to?" hehehehe, area manager siya sa philam insurance kasi.

    so yun ang umpisa. love at first sight ako. siya naman tingin niya sa akin prospect na bentahan ng insurance. 24 years old siya, ako 38 na.

    bigay ng cel number, tawag, text. benta siya insurance sa akin pero meron na ako ayaw ko bumili. lunch date, then dinner that same week. yun na araw-araw na ko dalaw sa kanya. by the middle of the 2nd week everyday na kami lunch or dinner. before the end of the 1 month syota ko na.

    umalis ako papunta malaysia after 1 month. nung nasa airport ako sa naia, text ako sa kanya "will you marry me?" sagot nya "bago lang tayo, nagbibiro ka ba? di ka pa sigurado eh." sagot ako "sure na ko, will you marry me?" sagot sya "yes." ayun nasa SM centerpoint pala siya, iyak daw siya dun. ako naman binilihan ko ng beer lahat ng andun sa bar sa airport hehehehe!

    everyday text kami via chikka text. plano ng life. usap ng kung ano expect niya sa akin at sa relationship namin.

    pag uwi ko 2 weeks later (namatay kasi aunt ko kaya ako umuwi) plano namin kasal namin sa civil. kelan kami pakasal sa simbahan. punta sa aunt saka lola niya, paalam kami (wala kasi parents nya sa manila nasa negros). usap ko parents niya sa phone lang.

    kinasal kami that same month sa kaloocan, civil muna. saka lang kami naka-uwi sa negros para i-meet parents nya.

    last january kinasal kami sa simbahan.

    3 months pregnant na kami. at everyday, pag andito ako sa work, chikka text pa rin kami. almost 50 text messages per day, minsan sobra pa. sa computer ako sa cel phone sya. di na siya nagwo-work, malalayo kasi assignment nya minsan punta pa siya ng davao o gensan kung may sales promo sila. siya na lang binentahan ko ng insurance hahahaha! insurance na mamahalin ko siya for life!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #23
    nilanggam naman ako sa kuwento mo yebo ang sweet kasi.

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    322
    #24
    sir yebo, ang bilis ng mga pangyayari ah... :D

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    466
    #25
    gleng gleng naman ng love story mo sir happiman at yebo...

    na meet ko wifey ko dahil sa CB (citizen band). Sinagot nya ako Nov 26, 1988. Pakasal kami sa huwes may 1992 dahil na tes-bun ko sya (hindi ko makalimutan ung sermon na inabot ko sa nanay nya he he he). Lumabas ung panganay namin Oct, 1992. tapos may dalawa pang sumunod. Nagpakasal kami sa church last year lang (almost 10 years). Ring and bible bearer ung 2 kong lalaki at flower girl ung panganay kong babae. At maipagmamalaki ko lang eh nasaksihan nila ang kasal namin ng nanay nila at hindi na cla magtatanong kung bakit wala kaming wedding pictures.

    Yung CB namin?????? nakatago pa din. Hindi ko pinagagamit sa anak kong babae at baka mapalaka ng maaga. Mahirap na.

  6. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    65
    #26
    kami naman, nagmeet kami sa drive thru ng McDo!

    that was year 1997... working student ako.. trip lang.. then na-assign ako sa drive thru counter... one sunday afternoon, bigla may nagdrive thru.. "thank you for dropping by McDonald's drive thru service, can i get your order please?" sabi ko... then sagot siya... "2 twister fries nga.." -- basta when he got to the 1st window, saw him... and.. kasama niya classmate ko that time...
    came tuesday, (wala kasi pasok sa school tuwing monday), sabi ko sa class, uuuyy, kita ko na bf ni ano... then sabi ng classmate ko, sira! di ko bf yun noh! tas yun, yung mga barkada ko, binigay dun sa classmate ko yung number ko sa bahay (...di pa kasi uso cellphone that time... mga analog na cel lang! hahaha)
    ayun... then the rest is history! mag-6 years na kami sa friday! aug.08. hehehe...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #27
    ang gaganda ng mga love stories nyo a. pwedeng gawan ng mga movies. gawa kaya tayo ng Tsikot.com Productions?

    2 na pala ang mga pinoy na nagtanan ng chinay dito sa Tsikot.
    Signature

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,355
    #28
    in an EB party :D

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #29
    Originally posted by boybi
    2 na pala ang mga pinoy na nagtanan ng chinay dito sa Tsikot.
    Ako na pala sana ang pangatlo. Sayang things didn't work out. Oh well, I guess things do happen for a reason naman.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #30
    Bagal mo kasi OTEP dapat tinanan mo na agad.. para hindi na nakawala.. sayang hehehe


    Galing ng Story ni Yebo.......... Yan ang sinabing nila na bilisan mo "Last Trip na " baka maiwan ka hehehehe..

Page 3 of 9 FirstFirst 1234567 ... LastLast
How did you meet