I planned to homeschool my kids sana e, kaso nauubusan na ako ng sagot sa mga tanong ng anak ko hehe. Pero seriously, gusto ko sana kumuha ng curriculum sa Angelicum, pero nalaman ko ok din naman pala yung regular school nila, hindi din conventional yung approach nila, walang grading system, saka sariling pace ng bata, so yun na din ang kinuha namin.
Kung mag-h-home school kayo, kailangan nyo pa rin kumuha ng curriculum e, para alam nyo kung nahuhuli ba kayo or what para just in case na kailangan ninyo nang mag lipat sa conventional e hindi naman siya delayed.
Yung kid ko 5yo, dito na sa bahay natuto magbasa, sumulat at mag add, kala ko ok na yun para sa grade 1, kailangan din pala subtraction marunong na hehe. Nangangapa lang kasi ako kung ano ang ituturo. Full time hosewife and mom pala ako. Resigned nung lumabas si panganay.
Meron nga din palang homeschooling curriculum sa CCF, church yun, born again. Yung mga kids ng kakilala ko ok naman sila, kasi may social interaction naman sila doon, may mga field trip saka mga group activities sila every now and then.
Ok na daw ang accreditation ng DECS pati CHED sa homeschooling, hindi katulad dati wala pa silang sistema, e kasi ngayon marami na ang nag o-opt na mag homeschool ng mga bata. Si kaya nga pwede na daw mag college si Manny Pacquiao, kahit hindi siya hs grad, pumasa siya dun sa qualifying exam.