Do you know na Yung taba nyan (fats), kinatatakutan din ng cattle (baka, kalabaw)? Once, may nagkatay ng kambing sa province namin. Sinabihan kami ng mga matatanda na hwag naming ikakalat yung pinagtabasan ng karne, lalo na sa daanan ng mga cattle. So, dahil mga bata pa, out of curiosity & to have some proof, we scattered a few pieces of fats (secretly, isinabit sa mga shrubs), sa daanan ng mga kalabaw.
Ha ha. Totoo pala. Kahit anong palo nung sakay nung kalabaw, ayaw umabante nung alaga nya, at nakataas yung ulo at tenga na parang galit. Napilitang i-detour ni manong yung kalabaw nya. Yung mga matatanda, nagalit sa amin kasi nakita nila na nagtatawanan kami.
Nababahoan ata sila (cattle) sa amoy, sa panghe, sa anggo, ng kambing, kaya ganun.