Quote Originally Posted by CVT View Post


Wow! That was an experience bro.

Ako, malimit maka-encounter ng mga "butihing tao" rito sa bundok sa may Cavinti, Majayjay, Luisiana.....

May mga nakahiga sa damuhan sa tabing daan,- hindi ko na lang tinignan at diretso lang ang takbo.... around 2pm sa Cavinti...

May mga bumaba ng open bed truck, kumaway at tumawid ng kalye... around 10pm sa Majayjay... Huminto ako ng malayo sa kanila at pinatay ang headlights,- hanggang makatawid sila sa kalye.....

May mga nakatambay sa tabi ng kalye (hindi kami umakyat sa bundok/zigzag for some reason),- around 11am sa may area ng Pagbilao at Atimonan... Hindi naman nanghingi ng donasyon, kaya diretso lang ako,- pero magbagal....

On all occasions, kasama ko ang pamilya ko,- kaya medyo kabado rin.....

ser cvt, meron akong mga ilang "ganiyang" opismeyt na balik gobyerno. nakakapunta "sila" sa opis namin para kumustahin yung mga dati nilang kasamahan.

noong sumama ako sa opismeyt ko na "ex" sa nueva ecija "sila" yung naikuwento kong gumawa ng pulutang nilamas na hilaw na utak na may kaunting suka, sili, sibuyas at sky flakes.