Matagal nang issue ang global warming, pero ngayon lang talaga pursigido sa information campaign ang karamihan. Kasi sa tingin ko, for the longest time, ang feeling ng iba e isang hype lang ito at panakot sa mga tao. Ang iba naman ay naniniwala na wala namang magagawa ang isang indibidwal para maiwasan ang epekto nito.

Pero ngayon hindi na maipagkakaila ang epektong dulot ng global warming, pero sad to say marami pa rin ang walang pakialam.

Kayo, in your own little way, how do you help at least slow down the effects of global warming? Pag pinagsama sama ang tulong natin malaking tulong na din yun.

Syempre malamang ibabalik nyo sa akin yung tanong ko. Ako, maliit lang din ang tulong ko, pero better than nothing.
1. waste segregation. Binibigay namin sa mga nagbobote yung mga pwedeng i-recycle, food scraps goes to the compost, or fed to stray cats, mag i-isang taon na yung compost ko, so far ok naman hindi naman dinadaga kasi walang karne dun, so natitira na lang ay mga basura talaga.

2. Canvass bag pang shopping, kaso minsan nalilimutan ko.

3. Pag patay ilaw, ibang appliances kapag hindi ginagamit, well sa mga nanonood ng Mythbusters, paki correct na lang kung mali ang pagka alala ko, pero ang tanda ko kasi doon ay malaki talaga ang matitipid mo sa kuryente kung everytime na lalabas ka ay papatayin mo ilaw. Kung ko konti ang kakailanganing kuryente ng bawat kabahayan, kokonti din ang kailangan i-generate ng mga coal powered plants natin.