father ko the night before e naghatid pa sa amin hangang door. e na 2nd stroke na siya kaya di na makalakad, so usually di na siya tumatayo pag paalis na kami. pero the night before e pilit na tumayo at nakadungaw sa pinto pilit na tinitignan kami sa van. the next day tumawag ermats ko para isugod siya sa ospital at na-stroke ulit. nung namatay naka-smile siya. nasa emergency room siya nun, 3rd stroke. ask ko siya bakit, e andun daw mga lolo, lola saka mga departed relatives namin sinusundo na siya. sabi ko wag muna sasama e pinisil lang kamay ko. then inutusan ako ng doctor na pa-reserve sa ICU, after 5 minutes lang wala na.

pag naiiba ako ng destino lagi sumasama sa akin, maamoy ko yung tsinelas nya, lakas talaga ng amoy tapos pag binati ko na "Pa andito ka ano. ok lang ako dito..." ayun mawawala bigla ang amoy. ako kasi naghuhugas ng paa nya pag nakaalis na yung caregiver nya nuon.

yung uncle ko na namatay sa cancer ganun din. gusto na mag-suicde nun e, masakit kasi cancer nya kumalat na sa whole body. takot siya na mamatay days before pero nung day na namatay siya hindi na siya takot. di kasi siya naniniwala sa diyos, pero one day before e nagpatawag iya ng pari para magpa-baptise siya ulit. and then a few hours bago siya mamatay e sabi nya andun daw lolo at lola namin pati mga kapatid at pinsan nya na nauna na, sinusundo na daw siya. so nung assured na siya na may life after death ayun di na takot mamatay.