Nagpamember din ako dati sa MLM, nasilaw kasi ako sa auto ng kumausap sakin. Langya na hype ako kasi nga naman dating waiter naka BMW at gen 3 pajero. Kumita rin ako kahit papano pero ang problema nagsara(hindi FQ ha iba pa to). Yung reputasyon ko tuloy ang nasira sa ibang kakilala ko. Langya reputation=priceless! kaya parang wala din.
Madami din ako nakilala na biglang yaman as in 500k to 800k per week ang income pero nung nagsara yung co. isa isang binenta yung mga property(Puro luxury cars at mansion) ngayon walang wala na. Dun ako nasasayangan kasi hindi nila ginamit yung pera wisely.