New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20
  1. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #1
    Tsikoteers, ano tingin niyo sa feedback na binigay kong ito sa isang online seller:

    Chief, pasensya po talaga pero I'd have to break my word and give you a negative feedback. First time po talaga akong mag-iiwan ng negative feedback pero sana po i-take po natin ito constructively at pasensya po talaga kung mabahiran ko man ang maganda mong rep dito sa TCP.

    Gaya ng sabi ko sa SMS nakiusap ako na kung okay lang huwag na magiwan ng feedback kasi di masyadong okay ang nangyari sa meet-up part. Yung unit lahat-lahat okay naman, as advertised talaga, walang labis at walang kulang.

    Kaya lang after ng deal nadismaya ako, at para maging justified naman po ang paggawa ko ng negative feedback ko at pagbawi ng salita ko na di na lang ako mag-iiwan dapat, eh i-elaborate ko na rin po sana ang nangyari at ang dahilan.

    Bumili po ako ng <insert item here> kay Bos Jan this August. Wednesday iyon and tinanong ko kung kailan pwede ang meet-up, sabi Monday next week pwede at sakto raw gawa ng kailangan din niyang makabenta talaga at aalis na yung fiance niya. Monday na rin namin napag-usapan gawa ng nasa Puerto Galera raw siya. Sabi ko naman sige lang, makakaantay naman.

    Nagfollow-up kami ng Sunday ng GF ko, and from Bos Jan's account eh na-stranded daw siya sa Puerto. Malakas naman din ang buhos ng ulan dito sa Maynila kaya sabi namin totoo nga iyon. Pagdating ng Monday ayon, kinamusta ko si Bos at given na ayoko namang mang-stress ng tao, nag-offer ako kung gusto niya sa kanila na lang ang meet-up o ano. Sabi niya di niya ma-confirm. Sa akin naman, gawa ng ayokong mang-abirya at mang-istorbo ng kapwa ng dahil sa cellphone lang, eh di tinawagan ko na lang siya at sinabi ko na "sige pre baka pagod ka rin sa biyahe, kahit bukas na lang."

    Kaya lang Tuesday ang sunod na araw (coding ako), tinanong ko kung pwedeng sa Makati (sa may opisina namin actually) mag-meet. Sabi sa akin "walang problema Bos". Given na galing siya sa byahe at nabalitaan ko rin sa kanya na aalis na sunod na araw ang fiancee niya sa Australia, sinabi ko na rin na anytime within the day okay lang, kasi up to 10PM pa naman ako sa opisina.

    Follow-up din ako ng 12NN same day, sabi ko kung ano balita. Sabi niya okay naman tuloy daw, and nagtanong ng additional details kung saan yung opisina banda sa Makati. So nilinaw ko at tapos sige raw.

    Between 6-7PM wala pa rin. So tawag uli ako. Tinanong ako bigla ni Bos kung pwede ba raw ako sa Megamall. Sabi ko shift ko pa so hindi pwede. Nakipag-haggle ngayon si Bos kung puwedeng pumuslit ako (note: binigay ko po ang buong araw para makapunta siya for the meet, at si Bos Jan po ang nag-agree at nagsabing "walang problema" makipag-meet sa Makati, and ngayon ako pa ang naagrabyado after ng lahat ng allowance sa time na nai-offer ko). Eh ayun, kasama raw kasi niya fiancee niya at lilipad na nga raw ng Australia bukas (Wednesday). So ako pa ngayon nag-isip ng paraan para matuloy ang deal the same day (night na actually).

    May break time ako ng 7PM-8PM, kaso tinatantiya ko kung kaya from Makati to Megamall ng ganoong oras. Note po: ma-late lang akong bumalik from break at malaman na wala ako sa shift ko malaking yari po iyon sa manager ko kung saka-sakali. So hurriedly alis akong parking at deretso na. Hindi ko pa kabisado yung Megamall and nagrequest ako ng compromise sa meet kasi ang gusto ni Bos Jan eh sa restaurant kung saan sila kumakain ng GF niya pa magkita. Sinabi ko ngayon sa kanya yung problema ko na alanganin ako at kung pwede sana eh drive-by na lang yung deal kasi alanganin talaga ako. Ayun buti na lang nakapagkita at natapos na rin yung deal. Nakabalik akong office on time at laking pasasalamat ko talaga na naawa ang EDSA noon at wala gaanong traffic papunta't pabalik.

    So deal closed, pag-check at pagbigay ko ng item sa GF ko all good. Bang-for-teh-buck nga ang produkto ni Bos Jan. Nagkakulitan lang sa feedback (resibo daw po ang feedback) at iyon nga, nakiusap ako kung puwedeng huwag na lang gawa nga ng na-dehado pa ako sa meet-up kahit na ako na iyong naging flexible sa time at schedule lahat-lahat from day 1. Di na siya nag-reply noon at being true to my word, di na rin ako nag-iwan.

    KASO, may dalawa akong kabarkada PLUS pa iyong nanay ng GF ko na ginusto ring bumili after makita iyong phone at natuwa na sulit nga. So naisip ko di na siguro busy si Bos Jan gawa ng nakalipad na yung GF niya. So kahit di okay yung meet-up sa first deal, sabi ko since okay naman ang benta at tapat naman ang produkto, sige i-refer ko na rin at nang makatulong.

    So binigay ko ngayon yung number ni Bos Jan sa nanay ng GF ko at sa mga kabarkada ko. Sakto naman na sa bahay ng GF ko ako nag-dinner ng araw na tinext ni tita si Bos Jan. Nagulat ako sa reply sa kanya nung tinanong na kung saan pwede mag meet.... according sa text, nasa Baguio daw si Bos Jan kasama ang fiancee niya. Tinanong ko rin kabarkada ko ngayon kung na-text ba niya si Bos Jan - oo daw at di rin daw makakapag-meet gawa ng kasama ang fiancee.

    Ayon lang. So ito po dahilan ko kung ba't napa-feedback ako. Bos pasensya talaga, pero makakalusot ka na po sana kung prinsipyong "business is business" lang ang titimbangin. Papalusutin ko na talaga sana gawa ng galing na rin ako sa sitwasyong ganyan na yung ex ko eh kailangang mag-ibang bansa na. Pero sana Bos kung hindi niyo po talaga kayang makipag-meet mapa-anong dahilan pa po iyon eh sana po sinabi niyo na lang ng deretso. Hindi ko po masabi pero ang dating po kasi eh parang nagsinungaling kayo sa akin noong sinabi niyo sa deal natin na aalis na ng bansa fiancee niyo "bukas" sabay a week after at kinontak ka ng mga ni-refer ko sa'yo eh ganoon na naman po ang dahilan niyo.

    Again, uulitin ko po okay ang benta ni Bos Jan, iyon nga lang po nakakadismaya lang po talaga at nawala iyong tiwala. Sana lang Bos sa succeeding deals po ninyo eh honesty policy tayo. Sayang din po kasi on both sides, wasted effort ang pakiramdam ko sa pag-take ng risk na sadyain yung Megamall, and at the same time tatlong buyers po niyo sana iyon na ngayon e sa iba po nakabili tuloy. Madali lang naman pong magsabi ng "hindi kaya" kaysa po magpaasa at in the end eh dehado sa meet-up.

    Sige Bos God bless po at more power na lang po sa inyo.
    Does the recipient actually deserve the negative feedback? Kasi eversince I'm hesitant to post it since our deal ended pero hindi ko talaga naintindihan kung ba't kasi kailangan pang magsinungaling. Nakaka-frustrate pa man din is nalaman ko rin pati na itong fiancee niya kuno eh nakilala niya lang nung July 20 this year after niya mabentahan kuno ng "product" niya sabay July 26 eh fiancee na niya (based sa succeeding feedbacks anyway). I'm suspecting nag-create lang siya ng troll account on the same site para lang may backup yung palusot niya..

    Bad for me to assume, pero sa tingin niyo? Tama lang ba na iwan ko ng negative feedback or i-delete ko na lang altogether? NOTE: May track record yung seller, and first negative feedback niya 'to if ever and first time din actually na magbibigay ako ng negative feedback (kaya siguro napapaisip). First unpleasant online deal to be honest.
    Last edited by batang_raon14; September 3rd, 2010 at 01:21 AM.

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,003
    #2
    That's why it's called a feedback. Positive or negative, it means you are just voicing out your overall experience.

  3. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #3
    feedback is the buyer's opinion. transactions are not just based on the quality of the product, it also includes the way the deal was negotiated (meetup locations, price, sellers attitude, etc). pag di ka satisfied sa isang point it's your right to post a negative feedback.

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #4

    Bro br14,- you're the customer, so you have the right to give the seller your feedback. Maayos naman ang pagkakasulat mo,- so should be no problem....

    10.7K:naughty:


  5. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    1,114
    #5
    so what did you buy again? sorry i wasn't able to read the entire feedback.

  6. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #6
    It's too long

    Waste of time

  7. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    325
    #7
    What product did you buy from him? Kindly specify. If you are swindled, better consult a lawyer.

  8. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    47
    #8
    Para sa mga taong nagtatanong kung anong product? Marunong ba kyo magbasa? Sayang naman mga mata nyo mga katoto, gamitin nyo naman! Cellphone po!
    BTT, opinyon nyo po yan at ipost nyo para na rin sa mga potential buyer.

  9. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #9
    I think walang problema yung "items" ni TS, gusto nya mag feedback regarding sa transaction process na yung nagbebenta daw ang pupunta sa TS, in the end si TS ang pumunta.... Tama????


    "Palabre De Honor"

    BTT: Fair yan kahit negative feedback kung mababasa ng taong concern at least aware sya na may "mali" pala sa pag transact nya

  10. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #10
    Yeah. It is. Customer ka naman eh, right mo yan.

    Para sa mga walang time bumasa .....

    Bro br14 bought a cellphone from a certain boss jan. Maayos yung item, medyo nagkaalangan lang sa meet up. Magulo kausap yung boss jan, to be short. Daming ganito, daming ganoon. Nung nirefer ni br14 yung taong yun sa kanyang tita at 2 friends, eh nagsinungaling nanaman itong si boss jan para makaiwas sa anumang meet up na hindi sasakto sa gustong " schedule " niya. ;)

  11. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    315
    #11
    Kung sa akin akin lang, sang-ayon ako kasi nakakaasar talaga yung mga nagsisinungaling sa deal para lang mas maging convenient sa kanila ang lahat. Yung mga tipong may ibang lakad daw para mapilitan ka sa gusto nila o kaya yung ok na raw sa presyo pero kung kailan nandun na kayo sa meeting place e saka ka babaratin.

    Pero ipa-refer mo na rin muna sa mods o kaya admin kung papasok yan sa site-wide rules pagdating sa feedback regulation. Sa tpc & tcp kasi may nangyari nang ganyan, ang ginawa nung nabigyan neg e nag-bigay din ng retaliatory neg yung nauna hanggang sa umapaw ang mga pulang marka. Ayun para maayos, pinagkasundo na lang na magtanggalan ng marka.

  12. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #12
    Geez, hassle pala makipagtransact sa tao na yan eh. Why refer him pa?

  13. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #13
    IMO, based on what you wrote mr TS, the product was good, the price was fair, it was the dishonesty on the purchasing part was the problem. If I were you just let it go. And don't refer customers to him anymore if you feel something doesn't feel right.

  14. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,417
    #14
    sa iba diyan, bago naman kayo mag comment basahin nyo muna ang storiya niya, halatang di kayo nag babasa, masabing nag reply lang anoo ba kayo nagpapataas lang ng no of post.

  15. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #15
    ^^^Hehehe...mukhang may tatamaan sa post mo.

    The TS referred the seller kasi ok naman talaga yung product. He only learned na medyo may dishonesty pala dun sa selling tactic only AFTER he referred the seller. Which is why he left negative feedback.

    Some posters naman kasi think they can do no wrong, parating perpekto kaya kung manita na lang eh akala mo kung sino. Too dismissive ang asta, hehehe.

  16. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #16
    <first reply appeared - just removed it for the second one>
    Last edited by batang_raon14; September 4th, 2010 at 12:00 AM.

  17. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #17
    First reply went missing. Weird.

    Anyways, sorry po late reply. Blocked kasi sa opisina ang forums.

    Yup - cellphone nga po ang binili. Had to buy online kasi may budget at planado kung bumili si GF (imagine may 5 Why's Analysis pa at lahat-lahat bago bumili lol). Thanks bro renzo_d10 and chrismarte for paraphrasing. Sorry Lucius and admittedly mahaba nga - siniguro ko lang kasi na malinaw lahat at tama ang pagkakasabi hence bro CVT's comment (thanks nga pala). Given na common case ang balat-sibuyas at ayaw makarinig na sinasabihan ng masama, ayun.

    Anyways, after your replies I gave the feedback. Nag-text naman at sa simula okay naman sana kasi nagpasalamat kahit negative ang naibigay. Kaya lang kalagitnaan ng message niya eto sabi: "sinisigurado ko sayo tanggal yan, dapat nga kagabi tanggal na yan eh, wait ko lang basahin ng fiancé ko."

    I guess he was referring to my feedback when he said "tanggal yan" and I also guess that he's gonna be married to a guy given it's "fiancé".

    To make the long story short, after ng text niya hindi na ako nag-reply. Amused though as to how he could delete the feedback given na valid naman siya based sa guidelines ng site and consummated naman ang deal. I suppose I just looked up too much when it comes to people I transact with. Oh well, just one of the rare cases I guess.
    Last edited by batang_raon14; September 4th, 2010 at 12:02 AM.

  18. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    817
    #18
    Ummm, IMO the seller was being a complete ass about the meetups - no need to tell such porkies like that. But I guess that just confirms his personality - one of those people who lies freely without any thought about others.

    You did right to negative feedback him. A feedback reflects your whole experience with this person(s), and on this occasion he admittedly was the bad guy and you, the good guy.

  19. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,391
    #19
    you did the right thing. i just find it maybe too apologetic as if you did something to the seller. a firmer feedback might be more effective with this seller. the rest are quite clear, great product, but preventable inconvenience. just my take.

  20. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #20
    Interesting - seller did manage to get my feedback removed. When I asked the moderators of the site, here's their reply:

    Again sir, a simple "NO" from the buyer, which in this case po is you, could have been made po. If you didn't agree sa demands nuong seller, wala po sanang sama ng loob. The fact that you accommodated his request sir eh parang unfair po para sa seller ang ganon. If inconvenience pala po sa'yo then you should have turned down the deal na lang po.
    Your thoughts, people? On my end I guess it's telling of some sort.

Is it fair to post this negative feedback?