Kung sa akin akin lang, sang-ayon ako kasi nakakaasar talaga yung mga nagsisinungaling sa deal para lang mas maging convenient sa kanila ang lahat. Yung mga tipong may ibang lakad daw para mapilitan ka sa gusto nila o kaya yung ok na raw sa presyo pero kung kailan nandun na kayo sa meeting place e saka ka babaratin.
Pero ipa-refer mo na rin muna sa mods o kaya admin kung papasok yan sa site-wide rules pagdating sa feedback regulation. Sa tpc & tcp kasi may nangyari nang ganyan, ang ginawa nung nabigyan neg e nag-bigay din ng retaliatory neg yung nauna hanggang sa umapaw ang mga pulang marka. Ayun para maayos, pinagkasundo na lang na magtanggalan ng marka.