Log into Facebook | Facebook

Siya yung matandang nag viral dahil sa na upload na video na nagsalin siya ng tubig sa isang pet bottle. Daming tumuligsa. Pinanood ko ang video. At pinakinggan ko paliwanag ni nanay.. ginagamit niya yun para ilagay sa batok niya dahil mainit ang araw..

Pero dahil sa video, biglang nagbago ang buhay niya… kung nakakabenta siya dati ng 10 kahon ng SEALED bottled water sa loob ng isang araw, ngayon, 3 kahon na lang sa loob ng 3 araw.. iniwasan siya ng mga suki niya…

Pinatawag ko siya ngayon.. binigyan ko ng sariling cart at bottled water na binili ko sa Puregold para magsimula siya uli. Nilagay ko siya sa pinakamalaking trike terminal ng cainta. At Pinabigyan ko din ng 5,000 piso panimula.

Pero ang mas mahalaga dun, kakasuhan ko ang nag upload ng video ng cyber libel. Tingnan natin ano ang ending nito.. sampolan ko lang…