Yung SkyCable namin di ko nabayaran for four months kasi naiinis ako at sobrang taas na ng rates nila!

After a week, pumunta yung Technician nila sabi nga e Closed na yung Account ko sa Sky at puputulin na lang daw nila yung linya nung cable...

E bigla ba namang humirit na "Sir, kung gusto nyo kakabitan na lang namin kayo ng panibagong linya ng cable libre, no subscription, 2thou lang!" Aba e syempre kumagat na ko hehehe! Sabi just in case na magkaproblema kontakin lang daw sya. Nag-iwan pa ng number at sabi mag-refer daw ako sa kanya nung iba pang me gusto hehehe! Sarap ng libre! Nakaisa din ako sa buwayang si Lopez!