
Originally Posted by
misseksaherada
Nagpunta ako sa company event sa Shangri-La Hotel ginanap.. Di na ako nag-research, nag-assume na lang ako na baka yung parking flat rate kasi weekend, worst na siguro yung Php 350..
So ok na, natuwa ako ang luwag ng parking akala ko kasi mahihirapan ako maghanap ng available slot.. 8AM ako dumating nun, ang chill ko dahil lahat smooth..
Nung hapon, kwentuhan kasi break around 5-6 PM na.. Dun ko nalaman na around 1K na ata parking fee ko.. Grabe!! Ang hirap talaga maging tanga [emoji1787] at mahirap..
Salamat sa crush ko, sinabihan ako na simpleng lumapit sa mga event organizers at baka meron sila extra for free parking.. Buti na lang meron!!
Inisip ko pa naman gastos ko nun sa parking hindi na magiging sulit ang attendance ko sa event.. Hahahahahaha [emoji23] (nandun lang ako para sa crush ko at sa food)