this past few weeks, in a busy intersection near our place, meron mga beggars (one man and one little girl) na lumalapit sa mga cars, nakabagsak ang mukha na parang umiiyak pero wala naman luha and meron hawak na papel na pinapakita sa mga motorists. i don't know kung ano nakasulat, hindi ko na binasa since never naman akong nagbibigay sa mga beggars. bagong style kaya ito na turo ng sindikato?

then last week, why having our snacks with my wife sa french baker in SM pampanga, meron naman isang lady na nagiwan ng isang paper sa table namin. ang nakasulat dun is her name and she's having a hard time to support her studies daw and she needs money so she's selling dried mangoes to earn some. ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero hindi ako bumili. nung umalis na yung lady from french baker (after going to other tables na wala din bumili), meron na naman isang guy na may bitbit din na dried mangoes showing a piece of paper to those eating inside french baker. hindi na sya lumapit sa amin.

is this another modus operandi para manglimos? or para mabenta yung product nila? kung iisa lang yung girl, baka maniwala pa ako na talagang para sa education nya yung ginagawa nya, pero two persons having the same style?