New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 20 of 69
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #1
    this past few weeks, in a busy intersection near our place, meron mga beggars (one man and one little girl) na lumalapit sa mga cars, nakabagsak ang mukha na parang umiiyak pero wala naman luha and meron hawak na papel na pinapakita sa mga motorists. i don't know kung ano nakasulat, hindi ko na binasa since never naman akong nagbibigay sa mga beggars. bagong style kaya ito na turo ng sindikato?

    then last week, why having our snacks with my wife sa french baker in SM pampanga, meron naman isang lady na nagiwan ng isang paper sa table namin. ang nakasulat dun is her name and she's having a hard time to support her studies daw and she needs money so she's selling dried mangoes to earn some. ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero hindi ako bumili. nung umalis na yung lady from french baker (after going to other tables na wala din bumili), meron na naman isang guy na may bitbit din na dried mangoes showing a piece of paper to those eating inside french baker. hindi na sya lumapit sa amin.

    is this another modus operandi para manglimos? or para mabenta yung product nila? kung iisa lang yung girl, baka maniwala pa ako na talagang para sa education nya yung ginagawa nya, pero two persons having the same style?
    Signature

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,307
    #2
    sa UP din may ganyan sa bahay ng alumni. big event nun sa wlsfm afair. napaaga ako kasi had to meet the organizers..paglabas ko ng car, may lumapit na babae tapos sabi niya music student siya tapos inaalok dried mangoes din..sabi niya nagiipon siya for a saxophone..nakakaawa din pero something just was not right. plus wala na ako pera that time kaya swak...
    Got Mazda?-http://www.MAZDAtech.org [SIZE="1"]est. 2000[/SIZE]
    got mazda 2? -> mazda2ners

  3. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #3
    yun music student? pumasok sa ateneo din yun eh... pinagbawalan... bumili ako once sa may UP mall... kasi masmura sa kanya ang dried mangoes dati... pero ngayon sinmahal na ng grocery eh... pero totoo daw yun eh... parang project to help poor students... pero ako rin naman poor ah

  4. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    8,588
    #4
    hmmmm, bakit dried mangoes ang binebenta of all foods?

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #5
    mga 6 times na akong nakakasalubong ng nagbebenta ng dried mangoes sa UP. pag marami kaming magkakaibigan, napapabili kami.

    one time ipinakita pa nya yung ID nung nagtitinda sa amin.

  6. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #6
    actually kahit saang malls marami talaga nagbebenta ng dried mangoes na for charity KUNO, medyo matagal tagal ko nang napapansin yan...

    and sir boybi, matagal na rin yang may papel, parang certificate ng something ,minsan na may namatay or anu ba dyan at humihingi KUNO sila ng tulong, nakaframe? hehe ganyan kasi sa amin sa province eh

  7. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    41
    #7
    dami tlagang ganyan sa mga malls.dont know if itts true na kesyo dey are self supporting their studies daw.minsan nga gusto kong sundan mga un eh maya naka tira pala mga un sa condo.hayup....hehehe.mas mayaman pa pla sila satin.
    dried mangos?bkt nga ba,cgro trade mark na nila un.hehehe.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #8
    Nagtataka din ako kung bakit mango?! Baka may gayuma ito?

    Anyway, kahit dito sa US meron na ding mga pinoy/pinay na ganyan. Sa labas ng Seafood Market West Covina (Largest Filipino store) may mga nagbebenta ng puto, kuchinta. Kesyo sa Church daw nila. Hindi kami bumibili kse nandun lang naman ang Chowking or yung ibang Filipino store na mas safe bumili.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,057
    #9
    I think the reason why dried mangoes, is that dried mangoes are very popular to foreigners. 'Yon lagi din ang pasalubong ko sa mga officemate ko dito sa US everytime na marelocate ako rito. Gustong gusto nila.

    Tsaka dati kasi merong kumakatok sa mga bahay-bahay or sa mga motorists ang tinda mga kakanin, ganun din ang gimik kesyo kailangan nia ng pang tuition... siguro di kumita sa kakanin at madaling masira... kaya siguro naisip nila dried mango na lang tutal patok to sa mga foreigners, mahirap pa masira,...

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #10
    merun din pinabibili ka ng keychains kasi daw para makauwe na sa bansa niya.. amerikana pa.. kasama ko si mugen pati carlo nun... sa may starbucks sa west ave

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,057
    #11
    Originally posted by odell
    merun din pinabibili ka ng keychains kasi daw para makauwe na sa bansa niya.. amerikana pa.. kasama ko si mugen pati carlo nun... sa may starbucks sa west ave
    Aba, magbebenta na 'yan ng keychain for life.
    Malamang nanjan pa sa Pinas ngayon nagbebenta pa rin. he he he

  12. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #12
    parang anstupid naman niyan... gusto niyang umuwi? Murahin niya yung immigrations officer sa Airport... deport na yan kaagad! (I know this for a fact, personal experience... ehem... pero di ako yung nagmura).

    Bwisit na bwisit ako sa mga style na yan... dati rati puwede pang bumili ng mga sampaguita at dried mangoes at kung anu ano na di ka naman gini-guilty ng mga tao. The moment I see that stupid "put-on-the-saddest-face-you-can" look and see the envelopes my pocket is closed.

    Bumibigay ako pa-minsan-minsan... but not to those who overtly try to play on my sympathy...

    Ang pagbalik ng comeback...

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #13
    matagal na mga ganyan...

    ang ayos dati yung isang matabang ale (as in obese) sa may ortigas/meralco... nasa oto kami ni woulfe nun, nagpakita ng papel pang kain daw ng anak na may sakit...

    putik mas malaki pa sya samin combined! hehe.... napikon samin :P

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #14
    Odell: Daming ganun sa HK, mga kano na nagplaplay ng guitar para makauwi hehe... Di kaya bayaran ticket at deportation fee.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #15
    Boybi parang nasa Alabang pa ako, may ganyan na na MO....

  16. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #16
    oo nga ang dried mangos maglalast ng ilang buwan d nila kelangan ubusin kaagad hehehe.. mahal pa sila magbenta ha 3 for 100... never pa ako talaga nagbigay sa kanila, pagbigay palang nila nung colorful na parang laminated paper, binabalik ko na agad eh.

    tapos ang kukulit pa nila minsan, pinapaalis na ng crew eh pinipilit pa..

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #17
    Dito sa harap ng Orient Square may studyante lagi sa parking lot... nagbebenta ng dried mangoes...

    Dati may pumunta sa BBPD nagbebenta parang yema, ang sarap grabe hehe...

  18. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,420
    #18
    meron nga puto and cheesesticks..hehehe, bili ka para maka tulong sa pag aaral daw nila...siguro modus operande lg.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #19
    sa bahay ng ermats ko last year, while nag-visit kami ni misis, may girl na kumatok halos 4pm na ng hapon. almost 15 or 16 yrs old nagtitinda naman ng native food (bibingka, puto, kutsinta, calamay, etc.) may dala din siyang papers signed ng principal ng skul nila. pinakita din skul id nya sa akin, high skul siya. whole afternoon na daw siya nagtinda wala daw siya benta. need lang daw ng pambili ng skul supplies nya. since isang compound actually yung kina ermats (5 houses) e halos naubos yung tinda nya. we even gave her a glass of 8-O'clock kasi pawis na pawis na sya sa pagod.

    well anyway the next week dumaan ulit sya dun sa amin, naka-skul uniform na papasok sa skul (evening classes yata). nag-"thank you" siya sa amin swerte daw pagkabili namin sa kanya. before daw kami bumili wala siya mabenta kahit isa at mag-give up na nga sana siya. after nung buena mano namin naka-benta siya ng 2 bayong na paninda everyday at nabili daw nya lahat ng needs nya including a new uniform and shoes. may dala pa siya 2 calamay at 1 plastic ng puto, free na daw. binabayaran ko ayaw tanggapin.

    case-to-case basis siguro.

  20. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    814
    #20
    Originally posted by caloyski5
    sa UP din may ganyan sa bahay ng alumni. big event nun sa wlsfm afair. napaaga ako kasi had to meet the organizers..paglabas ko ng car, may lumapit na babae tapos sabi niya music student siya tapos inaalok dried mangoes din..sabi niya nagiipon siya for a saxophone..nakakaawa din pero something just was not right. plus wala na ako pera that time kaya swak...

    pare nandun ka ba? si glenn nakita ko nung gabi na. yup madami akong nakikitang ganyan di lang sa UP. most of them nakikita ko sa gasoline stations. I used to buy from them kasi naaawa ako however napansin ko na parang ang dami dami na nila.

Page 1 of 4 1234 LastLast
Beggars' new style?