New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,070
    #1
    Wonder if it will become law and if it will be strictly implemented...

    http://www.abs-cbnnews.com/video/nat...ds-motorcycles

    Dito sa kanto ng Avenida, Rizal at Recto, nahuli ng mga traffic enforcer ang pamilya Santos dahil lumabag sila sa ordinansa sa Maynila na nagbabawal sa pagsasakay ng bata sa motorsiklo.

    Bukod sa angkas na nga ang anak, may mga dala pa silang mga paninda. Nagmakaawa sila sa mga traffic enforcers, dahil wala silang pambayad sa P300 multa.

    “Madalas po ang aksidente, wala kayong panalo diyan,” sabi ng enforcer.

    “Oo nga po, kaso nga, sir, ipapa-check up namin 'yung bata at ide-deliver namin ito, kailangan namin ng pera,” sabi ni Ginang Santos.

    Nagmakaawa rin ang pamilya Tagoma dahil kaoopera lang ng ina at napilitang dalhin ang anak na hindi maiwan sa bahay at nakatulog na sa motorsiklo.

    Niko: Hindi ba kayo natatakot kung sakaling maaksidente kayo?

    Ron Tagoma: Hindi naman, sir, dahan-dahan lang naman ang takbo namin.

    Ngunit ayon sa LTO, mali ang paulit-ulit na pinagbibigyan ang mga nagmamakaawang motorista.

    “Papaano kung pinagpatuloy mo, hindi mo hinuli, pinagpatuloy mo at nabangga sa kanto? Hindi ba’t pananagutan mo rin iyon bilang law enforcer,” ayon sa chief ng LTO Traffic Safety Division na si Daisy Jacobo.

    Sa ngayon dinidinig pa sa Kongreso ang mga panukala laban sa pagsasakay ng mga bata sa motorsiklo.

    Sinusuportahan ng LTO ang bersyon ng Senado na nagbabawal sa mga 12-anyos pababa na umangkas base sa pamantayan ng World Health Organization.

    "Minsan 'yung ibang bata, nakakatulog at nakakabitaw," dagdag pa ni Jacobo.

    Mahigit 4,000 motorcycle-related accidents ang naitala noong 2009 at 249 naman nito lamang Enero.
    Niko Baua, Patrol ng Pilipino
    Last edited by Monseratto; October 28th, 2010 at 01:59 PM.

  2. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    850
    #2
    Niko: Hindi ba kayo natatakot kung sakaling maaksidente kayo?

    Ron Tagoma: Hindi naman, sir, dahan-dahan lang naman ang takbo namin.
    Stupid BAHALA NA attitude of the masa Pinoys.

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,326
    #3
    related talaga sa kahirapan.. although ideally hindi dapat.. but that is what's happening... dahil sa kahirapan..

  4. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    850
    #4
    Quote Originally Posted by wowiesy View Post
    related talaga sa kahirapan.. although ideally hindi dapat.. but that is what's happening... dahil sa kahirapan..
    Related sa Katangahan nila. At sa Tigas Ulo.

    Hindi sila hinuhuli kasi wala sila mabigay na Kotong.

    Pag may mangyari, kamot ulo na lang.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #5
    like i said in other threads -- the single motor has become the people's "car"

    it's the poor man's family car

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #6

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #7
    Quote Originally Posted by ghosthunter View Post

    Ha-ha! Parang mga chinese acrobats ah.........

  8. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #8
    as what GH posted na habal-habal a.k.a. skylav di natin masisi yung mga tao sa ibang lugar kasi eto lang ang pwedeng pumasok sa mga barrio take note "barrio' unlike sa pic eh nasa highway.


    OT: Sa province namin especially sa barrio ng mother ko ganyan ang sinasakyan(minus the extension sa gilid) pero kasya 5-6 na tao. Eh mother ko di nasakay ng "single" if hindi ako or father ko ang nagdadala pagkasama kami na umuwi maghahanap lang kami ng kakilala sa terminal na usually nasa mga palengke at aarkilahin namin at isusuli na lang sa bahay nila. Pero pag hindi kami kasama maglalakad lang mother ko kahit na 4 hours walk (kasama na stop over at tsismisan sa mga kamaganak na dadaanan...)

  9. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    850
    #9
    Quote Originally Posted by ghosthunter View Post

    PU%#$NA, Naubo ako sa TAWA!!!

    Pilipinas, from 3rd World to Poor World.

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #10
    panalo! hehehe! parang mahirap yata balansehin yan!

Page 1 of 2 12 LastLast
Batas laban sa bata sa motorsiklo itinutulak ng LTO