Ako ay Pilipino, taas noo kahit kanino.. Ano ba
talaga ang pinoy? Kung iisipin mong mabuti:
ang pinoy ay isang halo-halo na tao. May kaunting Aeta,
kaunting Chinese, kaunting Kastila, etc. etc.

Ang problema sa pinoy ay mayroong tinatawag na "Class RACISM".
Hinihiwalay ang tao sa A, B, C or D. Bato bato sa langit, tamaan huwag magalit.

Ang Class A ay yung mga lumang yaman. Mga apelyido nila ay Ayala, Zobel, Lopez, Soriano.
Nakapasok rin dito ang mga bagong yamang "chinese"
tulad nina Concepcion, Tan, Gokongwei, Cojuangco.
Hindi yan nagkokotse (natatakot na makidnap). Naka
helicopter yan papunta sa opisina. Kung nakakotse
(Range Rover o S class na Chedeng o BMW 7 series) atmay bodyguard na kasama.
> >>
Ang mga damit niyan ay mamahalin pero walang tatak na kilala ng karaniwang
FTR Tao dahil sa Europa lang nabibili. Hindi na nila kailangang magyabang ng damit
dahil alam na ng tao na mayaman sila. Ang mga anak
nila ay nagaaral sa mamahaling eskwelahan sa Tate o
UK.
Ang problema lang sa mga ito ay kahit tinatawag nila
ang sarili na Pinoy, ang mga TAI PAN ay hindi
pumapayag na mag-asawa ang mga anak nila sa hindi
kapwa mayamang Chinese.
> >>
Maraming mga T.H. na gustong sumama dito,karaniwan ay
mga pulitiko, crony, artista, ibang balikbayan (na
dahil galing lang Tate ay akala mo na kung
sino,burgis. Mga class B lang ang mga yan kahit na may
pera.)
> >>
Mahilig ang Class B sa mga damit na mamahalin at may
pangalan na nakatatak sa malalaking letra tulad ng
POLO o di kaya ay DKNY o yung maliit na buhaya sa
dibdib. Ang gusto nila sa sapatos ay yung may pangalan
din tulad ng GUCCI, FERRAGAMO o COLE-HAAN.
> >>
> >> Mahilig silang maglakad na may nakakabit na high
tech at maliliit na telepono sa sinturon para masabing
importante daw sila o may kaya sila.
> >> Mahilig gumimick ang mga class B dahil hindi sila
natatakot lumabas at makidnap. Makikita ang mga yan sa
the FORT o di kaya sa Libis sa magagara nilang
sasakyan na galing sa Hapon o Alemanya.
> >>
Mahilig sila sa kape na napakamahal. Hindi uubra diyan
ang Great Taste o Nescafe, dapat STARBUCKS o di kaya
SEATTLE'S BEST. Karaniwan ay ang mga anak nila ay nasa
tinatawag na "exclusive schools", kung bakit ganyan
ang
tawag ay hindi ko alam. Exclusive kanino-sa may pera
siyempre. TAG Heuer ang relos na pinipili nito, Kung
mas may kaya ay Rolex,, Patek Phillipe or Cartier.
Mahilig ang mga yan na magsalita ng ingles, kahit
kausap nila ang tindera sa Shoemart (kung magpapakita
sila na pumupunta sila sa loob ng tindahan na ito na
para sa Class C).
> >>
Ang Class C ay ang mga karaniwang tao, hindi naman
squatter pero hindi kayang mag-aksaya ng pera sa mga
katarantaduhan tulad ng cerveza na imported, telepono
na nadadala (cell phone ika nga), damit na may tatak.
Maswerte na ang C kung may kotse sila, minsan
akakabili ng gamit na gawang Hapon o kung may tulong
galing sa
isang kamag-anak sa Tate ay bagong gawang Hapon na
kotse. Hindi kaya ng C ang kotseng galing Europa o
yung mga tinatawag na SUV.
> >>
Ang mga damit naming may pangalan ay galing sa
divisoria (i.e., PEKE) at Tiangge ng Greenhills at
hindi sa Makati o Hong Kong. Mahilig rin gumimick ang
mga taga C, pa sine-sine, manood ng concert,kumain sa
Jolibee sa Mcdo, pumunta sa beerhouse. Masyadong
mahal yung mga d FORT para sa kanya.
Timex, Casio, Seiko ang kayang bilhin na
relos.Kabilang
ng malaking bahagi ng Class C ay yung mga sumusuweldo
na tanggal na agad yung kanilang mga buwis
o'witholding tax - na siya namang pinag-pipiyestahan
ng mga ganid na mambabatas daw sa Kongreso at Senado.
Di ba daylight robbery' ang tawag dito? Maraming C
gustong maging B. Hindi na nila inaasam na maging A
dahil alam nilang imposible ito (kahit manalo sa
lotto).
> >>
Ang pinakamalaki ay ang Class D. Dito nangampanya si
ERAP nung eleksyon kaya nanalo. Yan ay si Juan dela
Cruz sa kalye na isang kahig isang tuka.
Sila ang naaapi, at mas lalong nahihirapan dahil sa
systema ng gobyerno natin na "patronage system". Kahit
sumigaw tayo hanggang mapaos ay walang mangyayari sa
gobyerno natin. Masyadong nasisilaw sa pera ang tao,
kahit maganda ang intensyon niya sa pagpasok sa
Gobyerno. Hindi ko masasabi na hindi rin ako magbabago
kung naging senador o congressman ako (panaginip).
> >>
Ano ang solusyon?--- Hindi ko alam. Ang magagawa
ko lang ay ang pagrespeto sa lahat ng tao kesa A, B,
C o D ka. Wala akong pakialam kung anak ka ng
senador na nagaaral sa Ateneo o batang kalye. Respeto
lang sa
isa't isa kababayan. Wala nang patawag tawag na
"baduy" ang isang tao o "walang class".
> >>
Ano rin ang moral lesson ? Huwag nang magpaka-trying
hard sa pag-a-attempt na maka-angat ka ng class level.
> Hindi mo kailangang mag-pa-impress kahit kanino .
Ma-o-obvious ka lang at chipipay pa ng dating mo ..
> >>
Hindi makukuha ang kaligayahan depende sa impresyon ng
society sa yo.
Magpaka-simple ka at kung sa'n ka masaya du'n ka ....
yang mga tunay na kaibigan mo - yan ang yaman mo -
higit sa lahat , yung relasyon mo sa nasa ITAAS ...
yan ang pinaka-importante ... :angel3: