May tumawag sa akin, telemarketer daw ng Globe telecoms (smart user ako), sabi niya nagbibigay daw sila ng free sim card ng globe to smart subscribers. Umpisa skeptical agad ako, sabi ko, sim lang yan. Pero naisip ko kawawa naman ito kung totoo para lang maka quota siya. Pero imbestiga pa rin ako syempre. Pinakinggan ko yung background na ingay, mukhang from a call center talaga siya tumatawag. Tapos ang sabi ko kaagad basta wala akong cash out sige, syempre kung di legit yun stop na sya dito. Sabi naman niya name and address lang tapos present lang valid id kapag dineliver na yung sim. So binigay ko naman name and address ko.
Tapos kanina tinawagan ko Globe kung talagang may promo sila na ganun, wala daw.
So ang tanong, ano makukuha nila sa name and address? Iniisip ko, pwede sila mag apply ng credit card using my name and address tapos phone number nila ang gamit. Pero kung makaka lusot sa cc company yun e mahina ang pag CI nila.


Reply With Quote

