New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Results 41 to 50 of 50
  1. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #41
    OFW yung tatay ko sa Saudi dati, nagpapadala siya ng pera sa amin. Nakapagpundar naman sila ng nanay ko ng tindahan sa palengke, tsaka mga gamit sa bahay. Kaso, niloko kami at tinakbuhan nung isa nilang katiwala. Halos nilimas lahat ng paninda namin, bukod sa matagal na palang kinukupitan yung kita ng tindahan. Nung mag-retire na yung tatay ko, meron lang kaming maliit na sari-sari store sa bahay. Tapos isa-isang binenta yung mga gamit namin para lang kumasya ang pera sa araw-araw. Higaan naming magkapatid, tig-isang US Army cot na souvenir pa ng Operation Desert Storm.

    Siguro mga ilang Pasko din ang lumipas na litson manok at pancit canton lang ang handa namin sa noche buena, hindi tulad ng iba na may hamon, keso de bola, salad, etc. Yung ibang damit ko, mga pinaglumaan galing sa mga pinsan ko. Pag sasapit ang birthday ko, gigisingin ako ng nanay ko sa umaga para batiin, tapos maiiyak siya kasi wala daw siyang pangregalo sa akin; kelangan ko pang sabihin sa kanya na ok lang yun, di naman ako naghahanap ng regalo eh. Pag may gusto akong bilhin noon, imbes na humingi ako ng pera sa parents ko, iipunin ko lang yung baon ko.

    Mga panahon na yun, usong-uso ang pagers. Ako, nagkaroon lang ng pager nung third year college na. Napanalunan sa promo ng Coke. :bwahaha: Nagpart-time din ako nun bilang structural detailer sa isang start-up company.

    Madalas pumapasok ako sa UP na P50-P60 lang ang dala; eh pamasahe pa lang mula Manila hanggang QC 20 pesos na, kaya nasanay akong maglakad sa campus imbes na sumakay ng IKOT jeep. Pag kelangan kong mag-lunch between classes, busog na ako sa dalawang stick ng squid balls at isang baso ng buko juice. Medyo ilang ako nun sa mga kaklase kong mayayaman at sosyal; sa Inglesan lang kasi ako pwedeng makipagsabayan e, hindi sa porma o yaman. One time, may classmate ako who was also performing in La Salle Greenhill's Romeo and Juliet as Lady Capulet, so sinama niya ako sa LSGH to attend their rehearsals [pinag-deliver pa ako ng dialogue kasi wala yung isang cast member, at tinanong ako nung director kung interesado ba akong sumama sa cast ]. Tapos punta lahat kami sa isang fastfood joint sa Galleria. Order sila ng gabundok na fries, chicken meals, burgers with matching dessert. Order ko, isang burger lang tsaka softdrink. Busog pa rin, ehehehe.

    Hindi rin ako nakasabay sa grad pic ng college batch namin kasi kulang yung pera ko, buti na lang me kakilala ako na nagtatrabaho sa Colorpoint, naka-discount pa ako. Yung buong student council ng college namin, nakapag-outing sa Palawan; ako lang yung hindi nakasama kasi wala naman akong mailabas na pera. Nanghihinayang sila na wala ako dun, pero sabi ko ok lang yun, makakapunta din ako ng Palawan bago ako mamatay.

    Pero may mga upsides din. Nakapanood ako ng Eraser premiere sa Louie's THX nang libre, dahil yung isa kong kakilala eh naghanap ng kasama. Nakapunta ako ng Hard Rock Cafe nang libre, since sponsored ng org namin yung event. Nagkaroon ako ng kaibigan na, kahit anak siya ng isang congresswoman sa Davao, sobrang bait at down-to-earth, walang kaere-ere, scholar pa. Buti naman at nakatapos ako kahit papano, nakakuha ng trabaho at nakapag-asawa din.

    Weird lang, ngayong kung kelan medyo masasarap na yung kinakain ko, tsaka ako nahilig ng adobong kangkong. :D

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,142
    #42
    gustong-gusto kong mag post noong una kong mapasadahan itong thread na to kaya lang ang hirap para bang gusto ko munang umiyak bago magkwento.
    natapos ako sa public elementary school sa probinsya na di man nakasakay sa tricycle o bisikleta, puro cadilakad lang pasok sa umaga at uwi sa tanghali para sa lunch break (puro gulay pa naman ang ulam na kalimitan walang sahog) tapos balik pasok sa tanghali at uwi sa hapon... umaraw/umulan o bumagyo man (di pa uso noon na kapag signal 1,2 o 3 ay wlang pasok) walang choice dahil walang pamasahe.
    hindi rin nakaranas na pumasok sa eskwela na suot ay sapatos maliban lang kung may programa sa eskwelahan (malimit hiram pa). hanggang magkaroon ng butas yung tsinelas ay suot pa rin, kahit patid na ay nilalagyan pa rin ng alambre. hindi rin pwedeng maglaro kung di pa tapos ang trabaho. saka lang nakakatikim ng apple at maraming kendi pag panahon ng kapaskuhan
    sa high school naman, ganon pa rin puro cadilakad at mas malayo pa. tuwang-tuwa na kung nakakaangkas sa bisikleta paminsan-minsan. kaya nga pwede ako sa walkathon kaso lang maraming kalaban dahil halos lahat kami ay talagang sanay maglakad. ang unang rubber shoes ko ay bata (3rd yr hs na), sobrang saya ko noon dahil kabayaran sa aking pagod sa pag re-rewind ng air con compressor noong sumasama ako sa uncle ko kapag walang pasok.
    hayy... hanggang college ganon pa rin puro lakad inatupag kahit nasa siyudad na. buti na lang hindi napunta o nalaglag sa kalingkingan ko yung mga lesson na turo ni prof dahil palaging natatagtag ang katawan.
    kahit noong nagkaroon na ng trabaho... di man lang makabili ng gamit dahil kapos pa para sa amin mag-iina. buti na lang naglakas loob mangibang bansa at sa awa ng Diyos ay medyo pinalad naman.
    tama ang sabi ng iba... ang kahirapan ay hindi hadlang para marating ang mga mithiin sa buhay bagkus sya ang nagbibigay ng lakas para mag sumikap ang isang tao.
    kaya lang... yung dating hindi ko nakakain noong walang-wala pa ay di ko pa rin makain hanggang ngayon na meron ng konting pambili. bakit? paano dati walang pambili, ngayon naman bawal ng kumain ng makolesterol na pagkain hehehehe pero pwede akong sumama sa eb nyo!

  3. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    3,949
    #43
    Sir Jedi, Sir Vtec, Sir Boydapa, I have an idea. Let's group ourselves in the coming Xmas Grand EB. Let's invite all those who posted their stories in this thread. Sagot ko ang tissue and paper towels para pang punas ng mga luha, hahaha.

    Or have our own Xmas EB this December if the Grand EB will be in January pa. Invited lahat ng me "Rags to Pranela" story to tell. This will be nice. What do you think?

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #44
    Quote Originally Posted by ooba99 View Post
    Sir Jedi, Sir Vtec, Sir Boydapa, I have an idea. Let's group ourselves in the coming Xmas Grand EB. Let's invite all those who posted their stories in this thread. Sagot ko ang tissue and paper towels para pang punas ng mga luha, hahaha.


    Or have our own Xmas EB this December if the Grand EB will be in January pa. Invited lahat ng me "Rags to Pranela" story to tell. This will be nice. What do you think?
    Natawa naman ako Bro Ooba99.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #45
    Pinakamahirap manligaw kung "mababa" ang kalagayan mo. Naranasan ko yan nu'ng nasa high school pa ako. Grabe, paga-alipusta ng mga magulang ng gusto kong ligawan..........

    Pero ngayon........pag nakikita na nila ako, at nakikita ko yung naging kalagayan ng anak nila sa nakatuluyan nya, para kong nababasa sa isipan nila ang: "Sana, ikaw na lang......."

    Bwa-ha-ha!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #46
    sure doc ooba, pwede tayo magset... parang sharing na din... yung mga stories nyo eh kapupulutan ng aral at inspiration para sa iba... i salute you guys...

    kailan nyo gusto iset pwede tayo create ng another thread for this.

    here is my number pala 0905-333-8-777

    i have also a story to tell... kuha lang ako ng bwelo medyo mahaba at nakakaiyak din eh hehe

    Quote Originally Posted by ooba99 View Post
    Sir Jedi, Sir Vtec, Sir Boydapa, I have an idea. Let's group ourselves in the coming Xmas Grand EB. Let's invite all those who posted their stories in this thread. Sagot ko ang tissue and paper towels para pang punas ng mga luha, hahaha.

    Or have our own Xmas EB this December if the Grand EB will be in January pa. Invited lahat ng me "Rags to Pranela" story to tell. This will be nice. What do you think?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #47
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Pinakamahirap manligaw kung "mababa" ang kalagayan mo. Naranasan ko yan nu'ng nasa high school pa ako. Grabe, paga-alipusta ng mga magulang ng gusto kong ligawan..........

    Pero ngayon........pag nakikita na nila ako, at nakikita ko yung naging kalagayan ng anak nila sa nakatuluyan nya, para kong nababasa sa isipan nila ang: "Sana, ikaw na lang......."

    Bwa-ha-ha!
    Hehehe pareho lang pala tayo sinapit dami bumasted sa akin nun hanggang sa matauhan ako.
    Noong nagkatrabaho at may pera na ako saka ako nanligaw pero ganun pa din resulta dami pa ring bumasted (nak ng..sawimpalad )

  8. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #48
    Sa casino halos every punta ko naghihirap ako. Pero there was this time binawi lahat ng natalo ko, tapos after 1 day natalo ulit lahat hahahaha. Kanina lang ulit ako bumalik, ayun balik onti. Pag natalo ulit (which I hope will not happen), post ulit ako dito hahaha

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    315
    #49
    Quote Originally Posted by BlueGirl View Post
    Ang parents ko madalas sabihin na maswerte daw kami dahil noong araw eh hindi daw nila narasan ang buhay na nararanasan namin ngayon. Kasi daw noon nga sa public lang sila nag aaral at nilalakad lang ang school. Ang meryenda nila bananaque or turon lang masaya na sila.Naiipon pa nila ang singkong baon.Ang mga laruan nila improvised lang na papel or dahon pero madalas mga pinoy na laro, taguan, patintero, etc..Nag aaral na eh gumagawa pa ng gawaing bahay dahil hindi naman uso ang househelp noon.

    Nagsikap naman sila mapag aral ng mga magulang nila, kaya nung nakatapos eh nakahanap naman ng maganda trabaho kaya ngayon eh maganda na buhay nila. Ang madalas din nila sabihin na dapat daw ang mabigay naming buhay sa mga anak namin eh higit pa sa naibigay nila samin..
    Agree 100%. You just said everything I wanted to say

    I can never lay a claim na dumaan ako sa kahirapan like my parents. They worked hard for what they have now, and to give me and my siblings a good life and a better start in life than most. I can never repay them, so I will just do the same, or even better, for my children. Hopefully soon

  10. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    734
    #50
    chua riwap:

    Pinakamahirap manligaw kung "mababa" ang kalagayan mo. Naranasan ko yan nu'ng nasa high school pa ako. Grabe, paga-alipusta ng mga magulang ng gusto kong ligawan..........

    Pero ngayon........pag nakikita na nila ako, at nakikita ko yung naging kalagayan ng anak nila sa nakatuluyan nya, para kong nababasa sa isipan nila ang: "Sana, ikaw na lang......."

    Bwa-ha-ha!
    -----------------------------------

    kakatuwa naman yan ang tinatawag na return of the comeback! hehe siguro pag nakita ka para silang nakakakita ng pesoses or dollars---yun mata nila nagiging pesos pag dumadaan ka hehe

    --------------------------

    ayan malapit na magkaron ng the biggest gathering of poorboys of tsikot na hindi na ngyon poor dala ay bling bling na hehe

    at least makulay ang buhay hindi yun dear charo itago mo nlng ako sa pangalang lonelyboy laki din po ako sa hirap.....hirap kapipili araw araw kng ano kakainin ko kng lechon ba o salad or what have you...hirap din po ako kakapili kng anong kotse gagamitin ko araw araw(bm, merc, etc) kng ksi po ang pinakamura naming kotse nun mga panahon na yun ay yun toyota crown na madalas kong pinapagamit nlng kay dodong pan date nya at pan grocery nya tutal mukha naman syang driber...sa dami kong pera po nun kng saan saan ako nakarating at minsan ng makarating ako sa liblib na lugar at tumirik ang oto ko at walang makatulong gutom na gutom na po ako nun mamamatay nako sa gutom tpos naaalala ko po namarami pala me pera ayun po binuksan ko po wallet ko at kainain ko nlng yun mga pera ko dun---ganun pala po yun pag gutom masarap din pala ang pera at manamisnamis pa with a little bitter after taste that is just right on the money hehe.... inisip ko nlng ham yan! ayun po ang kwento ko sana kapulutan ng aral hehe

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Ano ba basehan para masabi mo na nagdaan ka din sa kahirapan?