New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 21 to 30 of 50
  1. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #21
    Quote Originally Posted by wildthing View Post
    I would say mahirap ka if you have barely enough to satisfy your NEEDS (so that would be food, shelter and clothing).
    +1 on this.

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #22
    ako mahirap pa rin.

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #23

    Many of the kids would not accept that they're poor....

    Naalala ko tuloy, I was in elementary grade in a public school.... Tanong ng titser namin,- itaas ang kamay ng mga mayayaman,- isa o dalawa lang.... Itaas ang kamay ng mga mahihirap,- wala.... Itaas ang kamay ng mga middle class,- lahat taas ang kamay... pero lower middle class lang daw (kasama ako rito)....

    4403:matrix:


  4. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    734
    #24
    chua_riwap:

    Pero napansin ko........ Sa dami ng bumasa sa thread mo Bro Vtec, kami lang ata ni Ooba99 ang nanggaling sa kahirapan.
    ----------------------------

    bro etong website na pinasok natin karamihan naman na nandito eh these are second/third generation rich kids pinanganak palang sila may oto na naghihintay na kng baga sa binebenta eh "idadrive nlng" hindi tulad ng iba satin na kelangan ka pa pagpawisan ng dugo para makabili.

    oooba: grabe! konti palang yan sinabi mo eh sad nako eh hindi ko kaya makipag inuman baka magiyakan nlng tayo pagnagkwentuhan tayo

  5. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #25
    Yung erpat at ermat ko noon, hindi naman ganun kahirap, pero dumanas din sila ng period ng paghihikahos. Paboritong kuwento ng erpat ko na nung binata pa siya, he had to take on odd jobs to pursue his college studies. Nagtrabaho pa nga daw siya as a carpenter dun sa ginagawang bahay ni Chiquito sa Makati. Yung lolo ko kasi, simpleng mangingisda lang (may maliit na fishpond sila sa Lingayen) samantalang housewife lang yung lola ko, and they had 9 children, erpat ko ang eldest. Awa ng Diyos, lahat nakatapos at ok na kalagayan ngayon. Kaya lang naman daw siya nakaahon sa hirap kasi nag-OFW siya for over 8 years (Sr. Civil Engineer sa Middle East).

  6. Join Date
    May 2007
    Posts
    81
    #26
    ano nga ba talaga ang basehan ng kahirapan,noong maliit pa kami pawid at kawayan lang bahay namin,naglalakad lang patungong eskwelahan,ang baon namin nilagang saging,walang TV,Ref.computer internet o laruan maganda agwanta na kami sa gulong ng motor at lata.pero kumakain naman kami ng 3 besis sa isang araw at may nilagang baka kapag sunday.napansin ko masaya kami noon.ngayon pag wala akong 100K pesos aburido na at masyado mainit ang pakiramdam

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #27
    i remember when i was still in college, life was very hard for me and my family wherein my daily allowance was only 25 pesos/day and i was commuting from alabang-UST-alabang. everything included including meals and fares.

    when my wife and i just got married, all that we have is an AM radio set. we eat our dinner and lunch by sitting on the staircase, and we sleep using "banig." umiiyak na nga si esmi nun, pero by God's Grace, we manage to fill-up the apartment that we are renting with a bed, a table, a sofa, a refrigerator, a gas oven/stove and a TV. By God's Grace also, we manage to have our own car after three years of being married, and after 5 years of being married, we got our own house.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #28
    ito yung tipong nagtrabaho ka/pinag-aral ng kamag-anak/foundation para lang makatungtong ng colegio at matagumpay na nakapagtapos at ngayon ay may magandang career/kaya na magsupporta ng sariling pamilya. = kasali rin ako dito.

  9. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    276
    #29
    kapag naging squater ka.

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    500
    #30
    Mahirap magsama-sama mga mahihirap dito at baka mauwi sa laslasan!

    Hahaha... Heto kwento ko:

    Nagdaan din sa hirap ang pamilya namin. Si erpats, goverment employee lang. Kaya baon ko sakto pamasahe, pag kumain ako ng recess, sigurado lakad ako pauwi. Style ko rin mag-antu-antukan sa bus at jeepney para di ako singilin.

    Laking public school din ako. Uniporme ko, 2 polo at 2 slacks, isang balat. Kaya laba agad pag-uwi. Alternate.

    Sa College, Fine Arts course ko. Anak ng, walang pambili ng mga gamit, ang mamahal! Kaya kelangan mag-trabaho sa Jollibee at kung ano-ano pang mapagkakakitaan: charcoal portrait anyone?

    Parang piyesta sa bahay kapag nakakapag-uuwi ako ng 2pcs na chickenjoy na binili ko (after the store closes, they sell it cheaper to us employees, SD yun. Salaray deduct.), siyempre hati lahat 5 members ng family.

    Kung walang pagkain, instant mami plus kaning lamig. Masuwerte na kung malagyan ng itlog yung mami. May tanim si ermats ng talbos ng kamote sa bahay, ako kukuha at ipapatong lang sa ibabaw ng kanin na niluluto at presto, ulam na. Pati sayote, pag tumubo sa bakod, tuwang-tuwa na kami.

    Siyempre wala kaming Betamax, Atari, aircon at kung ano-ano pa nuon. TV na bulok at gumagana naman, electric fan na bakal (bago pa naging plastic ngayon) at para makatipid sa kuryente: pamaypay ka bago matulog. Basta mga luma gamit sa bahay. Nangungupahan lang kami.

    Awa ng diyos, nagkaroon kami ng sariling bahay at lupa. Lahat kami nakapagtapos.

    Hay, ngayon problema ng mga kabataan: magkaroon ng boypren at gelpren, parking slots, load ng celfone, latest na celfone, at iPod na bago. Isama mo na rin computer.

    Ang babaw.

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Ano ba basehan para masabi mo na nagdaan ka din sa kahirapan?