New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 10 of 13 FirstFirst ... 678910111213 LastLast
Results 91 to 100 of 128
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    655
    #91
    yong supervisor guilty din kasi he was justifying Padlan's act. kaya dapat pati sya isigang.

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    38,686
    #92
    Mayayabang talaga ang mga Immigration Officers natin. Malas lang niya at ang nayabangan niya ay si First Daughter at HINDI NIYA NAKILALA dahil talagang humble itong si Luli....

    Talagang ginagawa nilang magpasingit ng mga foreigners, kahit na hindi pa sila last call sa kanilang flight. May materyal na involved dito...

    Noong isang linggo,- may 3 instances habang nakapila ako for an international flight na nagpasingit sila ng mga foreigners... Grabe talaga.....

    Di baleng pumila,- talagang ganoon. Pero iyon bang ang feeling mo ay 2nd class citizen ka sa sarili mong bansa dahil sa pinaggagawa nila? Mali na yata ito! E, ang tax natin ang isa sa nagpapasweldo sa kanila.


    :starwars:

  3. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    94
    #93
    As much as possible iniiwasan ko talaga yang Terminal 1 na yan
    dyan ang lungga ng mga beteranong buwaya, kaya ako lagi sa
    Terminal 2 medyo mga bata pa mga immigration officers doon
    at di masusungit. Bad news! balita ko pag nagbukas ang
    Terminal 3 ililipat lahat doon mga taga T1.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    509
    #94
    Quote Originally Posted by theveed View Post
    Luckily, sa Clark mas matitino at mababait mga immigration officers...
    Naku sir theveed, dyan kayo nagkakamali! Mga garapal din ang mga immigration officers sa clark! Ung asawa ng kabigan ko kahit kumpleto sa papeles hindi pinayagan mag-board ng AirAsia flight to KL dahil kulang daw sa 'documentary stamps' yung immigration letter nya! endorsed na nga yung papers nya ng Malaysian embassy pero kung ano-ano pa daw ang kulang na documents na dapat nya ipakita. Hinanapan pa sya ng extra pocket money, kahit 2 na ang credit card na pinakita! Pati ung asawa sa abroad pinakausap sa immigration para payagang umalis, no avail. Obviously gusto humingi ng 'lagay' para hassle-free ang pagalis nya.

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    38,686
    #95
    Mods, sorry ha? OT na ito.... Please remove as you see proper....

    Pero,- Mr. Immigration Officer,- BUTI NGA SA IYO,- nakakuha ka ng katapat sa mga pinaggagawa ninyo!

    :starwars:

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    509
    #96
    Kung anong ikina-low-profile nyang si Luli sya naman ang ikinayabang nung action-star-wannabe nyang kapatid at asawa nito. Dati nakasabay namin yang si Luli sa NAIA, at tahimik na nakapila sa immigration, sabay dating ung asawa ni Mickey. Aba, biglang dumiretso sa immigration at nag-demand na unahin sya! Hirit pa tipong - hindi nyo ba alam kung sino ako? asawa ako ng anak ng presidente! Buti maayos na sinabi ng immigration na madaming nakapila at mismong anak nung presidente maayos at matyagang nag-hihintay sa pila. Pahiya yung misis ni action-star-wannabe, naka-tingin lang si Luli na parang bwisit at nahihiya sa asal ng sis-in-law.

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #97
    Quote Originally Posted by bunge
    yong supervisor guilty din kasi he was justifying Padlan's act. kaya dapat pati sya isigang.
    baka kasama sa "payola"

    Quote Originally Posted by Tigerbug
    Bad news! balita ko pag nagbukas ang
    Terminal 3 ililipat lahat doon mga taga T1
    bad news nga ito :twak:,sana naman di tutuo .bigyan naman nila ng chance ang ibang tao .para malaman nila ang ibig sabhin ng masungit at friendly..

  8. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    403
    #98
    mabuti nga sa kanya. e di na lipat ngayon b*y*g nya sa noo nya

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    19,464
    #99
    are you talking about the immigration officers or the customs officers? never pa naman akong nagkaproblem sa mga immigration officers, nakakatakot lang talaga mga itsura nila pero sa mga customs officers, while pushing the carts towards them, tinitingnan talaga namin kung sino sa kanila ang hindi nagchecheck ng baggage dun kami didiretso.

    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    O.T.

    Hindi ko naman nilalahat (pasensya na po sa mga may relatives sa NAIA Immigration) pero ito'ng mga Immigration Officers ata ng NAIA ang isa sa mg pinaka-CORRUPT! Dito lang ako nakakita na yung mga matatandang immigration officers, ang lalaki ng mga gintong singsing, mga kwintas sa leeg at nagmamahalan na mga relos. .

    Dati, garapalan talaga ang paghingi nila ng "pasalubong". Kahit malayo pa Pasko, sasabihan ka: "Yung regalo ko, ipit mo na lang sa passport mo." Ayaw pa nila ng Riyals, gusto US$! Pero nagkaroon na ng paghihigpit diyan. Sa ngayon, BAWAL na yan. Wala na talagang nanghihingi. (ewan ko kung may nakakalusot pa.) At yung mga alahas, pinagbawalan na rin silang isuot yan. Bawal na silang mag "show-off" ng mga "assets" nila.

    Tanong ko po, magkano ba ang sweldo ng isang Immigration Officer, at ma-afford nila ang mga luhong ganyan? (Siguro, ang gaganda din ng mga sasakyan niyan. He-he!)

    Pasensya na po, pero yan po obserbasyon ko, dahil matagal na po akong OFW. Ilang beses na akong, nasigawan at nakikilan ng mga ASWANG na yan, kada bakasyon ko sa Pinas. Okay na sana eh, pero nasira ulit sila kay Padlan.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    509
    #100
    Eto pala ang sabi sa akin ng isang kakilalang immigration officer (hindi kurap ito ah Marunong pala 'bumasa' ng tao yang mga immigration at customs officers. Kapag masungit o suplado/suplada ang itsura at hindi naman suspicious-looking, immigration officers usually go easy on them (no questions nor inspections). Ngayon pag medyo jolly, friendly-looking or uto-uto ang kakaharapin nila, opportunity yon para i-hassle nila yung tao.

Page 10 of 13 FirstFirst ... 678910111213 LastLast
Airport Immigration Exec Sacked for Shouting at Luli