Results 21 to 30 of 34
Threaded View
-
September 20th, 2013 11:30 AM #1
$60 million, pinamana sa pinay nurse!
Isang Pinay nurse na tubong Capiz ang pinamanahan ng $60 milyon na halaga pera at ari-arian ng kaniyang inalagaang milyonarya sa Amerika.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing taong 2011 nang mamatay ang inaalagaan ni Gicela Tejada Oloroso na 104-anyos na si Huguette Clark, anak ng isang senador at may-ari ng isang minahan.
Wala umanong ibang pamilyang pamamanahan si Clark kaya hinati nito ang kaniyang kayamanan sa kaniyang mga nurse at aide.
Isa sa mga mapalad na pinamanahan ni Clark si Oloroso na tubong Capiz at nagtungo sa US para magtrabaho bilang nurse.
Nanggaling din naman sa maykayang pamilya si Oloroso bago pa man siya naging nurse at itinuturing nilang dagdag na blessing ang natanggap na mana.
Napasama si Oloroso sa inilabas na libro tungkol sa naging buhay ni Clark na pinamagatang "Empty Mansion."
Source: GMA
looked for the video. it would seem, according to the video, the car in question was purchased by...
China cars