good read tsikoteers. ;)


This play won a Palanca Award for 1-Act Plays
****************************

Twenty Questions


.......................Ni Juan Ekis


MGA TAUHAN


Jigs - Fresh grad. Kabarkada ni Yumi. Magtatrabaho bilang researcher sa isang financial firm

Yumi - Commercial Model. Kabarkada ni Jigs. 2 years ahead kay Jigs.


TAGPO

Gabi. Sa isang kwarto ng isang beach resort. Naglalatag ng kumot si Jigs sa sahig habang inaayos ni Yumi ang kanyang higaan.


YUMI Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentle man. Naaawa ako sa'yo e. Tabi na tayo sa kama.


JIGS Hindi, okay lang ako dito.


YUMI Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita no. Malaki naman itong kama e. Hatiin na lang natin sa gitna.


JIGS Sure ka?


YUMI Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no?


JIGS (Matatawa) Okay ka lang?


YUMI Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot na divider.


JIGS Good idea.


Isasampay nila ang kumot mula sa kisame para mahati ang kama sa gitna. Magsesettle down ang dalawa. Ilalabas ni Jigs ang libro
niya: "Puppy Love and other Stories" ni F. Sionil Jose. Si Yumi naman ay magpapatugtog ng Japanese Zen Music habang nagsa-zazen.


YUMI Do you mind?


JIGS No, go ahead. I'm just reading.


Magsa-zazen si Yumi. Magbabasa si Jigs. Pareho silang di maka-concentrate. Papatayin ni Yumi ang CD player niya.


YUMI I can't believe our friends.


JIGS Oo nga e.


YUMI Dapat ginagawa nila to sa mga bagong pasok sa barkada o kaya sa bagong...ay oo nga pala. Bagong graduate ka. Congrats.


JIGS Thanks.


YUMI So what're your plans?


JIGS Kinukuha akong researcher sa ADB. Kinukuha rin ako ng BPI sa OTP nila.


YUMI Wow naman. In demand.


JIGS Di naman masyado. Who the hell invented this tradition anyway?


YUMI (Matatawa) You won't believe it.


JIGS Ikaw?


YUMI Malay ko ba na mabibiktima rin ako nito balang-araw.


JIGS So why did you start it?


YUMI Wala ka pa sa tropa nun e. Freshman ka pa lang siguro noon. Wala lang. Napagtripan lang namin si Ronald. E may crush siya kay
Meg. Noong unang beses magpunta rito ng barkada, sabi ko, magsimula kami ng tradition. Ilo-lottery namin ang pangalan ng mga lalaki at ng mga babae.
Kung sino ang mabubunot, silang dalawa ang pagsasamahin sa isang kwarto sa loob ng tatlong araw. And then, we'll all see what happens. Pero
dinaya namin noon yung kay Ronald at Meg. Puro Ronald at Meg ang mga pangalan na nakalagay sa lottery.