YUMI Now that I look back, it isn't as special as I thought it was. Pero it was different then. Back then, we were just led by our passions.
Alam mo yon? Andun ka na. Hormones raging wild. Passions and Ideals are confused. Akala mo love, yun pala, curious ka lang pala. Akala mo yun na
yon. Akala mo you are in-love at lahat ng gawin mo tama. Lahat ng gawin mo perfect. Everything was magical...well, almost.
JIGS Almost...?
YUMI Sa next question mo na ?yan. Ako na.
JIGS (Pabiro) Wine pa? Kulang ka pa yata e.
YUMI Nilalasing mo ko no? May balak ka sa'kin no? (Tatawa)
JIGS Is that your question? Sasagutin ko na. (Tatawa)
YUMI Engot. Hindi ?yon. Here's something na curious lang ako. Kasi I've been hearing things...saka you've hinted on it na rin
kanina...Are you still with Krissy?
JIGS Hindi na.
YUMI Since when?
JIGS Two, maybe three weeks ago?
YUMI Sino'ng nakipag-break?
JIGS Pareho kami.
YUMI Why?
JIGS Maraming dahilan, actually. Naisip na lang namin na it won't work. Isa na do'n, magkaiba kami ng gustong mangyari sa buhay. Magkaiba
kami ng mga pinaniniwalaan.
YUMI Like what?
JIGS Marami.
YUMI At ngayon mo lang nalaman iyon after two years with her?
JIGS People change, Yumi.
Tahimik.
JIGS Right before graduation, she asked me to move in with her.
YUMI Talaga?
JIGS Sabi niya, doon na naman din daw papunta ang relasyon namin. Might as well practice na raw for the real thing. Tutal, she's working
na naman, ako naman bagong graduate, we should try out na raw living together if it'll work for us.
YUMI Natakot ka sa arrangement?
JIGS Hindi naman sa natakot. If you love someone, ano pa'ng ikakatakot mo, di ba?
YUMI E bakit umayaw ka?
JIGS It's just that, it's not my thing.
YUMI Sabi na nga ba e, bakla ka no? Sinasayang mo ang opportunities! (Matatawa)
JIGS Hindi ako oportunista. At lalong hindi ako bakla.
YUMI Fine.
JIGS Naisip ko lang na hindi pa pala ako handa sa mga ganitong bagay. Wala pa sa isip ko ang gano'n. Na-shock siguro ako sa reality na
iyon na nga ang next step sa relationship namin. I mean, two years of being together and knowing each other, we're practically ready to get
married, if you know what I mean. Pero I realized, I'm not ready for any of these. Narealize ko how immature I am. Na iba yung ideals ko two years ago sa ideals
ko ngayon. I need to mature some more to get into this thing'I mean, getting married. Diyos ko, ilang taon lang ba ako...
YUMI Maturity has nothing to do with age.
JIGS But it has a lot to do with time.
Tahimik.
JIGS So I thought, bakit kailangan ng practice mode? Ibig sabihin, pag sumablay kami, split na kami? Live like a couple minus the
commitment? Pa'no pag nawala na yung magic? Goodbye na?
Iinom ng wine si Jigs.
JIGS Kung kasal na, kasal na. Wala nang practice. I think that's the real cowardice. Yung i-try muna natin kung it will work kasi takot
kayo na baka hindi maging successful ang outcome. Saan na napunta ang excitement ng buhay? Kaya nga kayo in-love, para sabay kayong humarap sa
totoong buhay, sa hirap at ginahawa, di ba? (Matatawa) Hindi yung pagpapraktisan muna ninyo para siguradong ginhawa lang.
Magkikibit-balikat lang si Jigs.
YUMI Are you always like that?
JIGS Like what?
YUMI So cerebral in everything. Kahit pagdating sa relationships.
JIGS Life is too precious para lang daanin sa trial and error.