YUMI Seryoso ako. Ayaw mo yata e. Sige, iba na lang...


JIGS E napipilitan ka lang e.


YUMI Uy! Pa'no ba'yan? MU na tayo? Crush mo ko, crush kita...yiheee


(Tatawa).


JIGS Dati pa ?yon no!


YUMI Ay? Di mo na ko crush? Bakit, na turn-off ka? Ano namang ginawa ko? Tsk. Tsk.


JIGS Is that your question na?


YUMI Oy, hinde! Ito naman...di ba pwedeng mag-follow-up?


Iinom ng wine si Jigs.


YUMI Fine. Here's a little juicy question: Describe your first kiss.


JIGS That's not even a question.


YUMI Arte mo. O: How was your first kiss like?


Matatawa si Jigs.


JIGS Wet.


YUMI Yuck!


Magtatawanan sila.


JIGS Alam mo, aksidente yung first kiss ko. Close kasi kami nung isa kong kaibigan. Pag naggu-goodbye ako sa kanya, parati ko siyang kini-
kiss sa noo. E one time, sa gym habang nagpapahinga, nakaupo siya sa sahig. Tinatamad siyang tumayo. So bumaba ako nang konti para halikan
siya sa noo kasi pauwi na ako. E siya naman, para maabot ko, medyo tumingala. E sakto, sa lips ko siya nahalikan. Pareho kaming nagulat. Pero di pa kami
naghiwalay agad. Weird nga ang feeling e. Parang may glue. Ayaw na namin maghiwalay pareho...


Tawa pa rin si Yumi


YUMI Awww. Ang sweet naman. Parang sa pelikula. Si Krissy ba to?


JIGS Hindi. Hindi mo siya kilala.


YUMI So what happened? Nagkatuluyan kayo?


JIGS Nope.


YUMI Ha?


JIGS Ewan ko ba. Complicated kasi yung situation namin e. May boyfriend siya noon. Ako naman, takot pa sa isang relationship. Pero at
least, na-discover namin na pareho pala kaming may gusto sa isa't isa. Pero hanggang doon na lang.

YUMI What happened after?

JIGS We talked about it. We both decided na it wont work. Tapos, bigla na lang, hindi na kami nagkikita. And then, I met you guys, iba na
ang barkada ko.

YUMI Nakakatuwa naman.

JIGS Ikaw, pa'no yung first kiss mo?

YUMI Ikaw ang nagturo sa akin ng game na ito di ba? Bakit ba lagi mong bini-break ang rules? Di mo na pwedeng tanungin ?yan!

JIGS Tine-testing ko lang kung lasing ka na. (Iinom ng wine) Okay, naka-warm-up na ako: What was the naughtiest thing you ever did?

YUMI Yan ang mga tanong! Ano ba'ng ibig mong sabihin ng naughty?

JIGS Bahala kang mag-define.