Results 221 to 230 of 345
-
November 9th, 2020 07:22 PM #221
Ang ganda ng End Credits ng "Jujutsu Kaisen", parang ang sarap sayawan. Ang cool ng animation.. Chill and Carefree ng dating..
Jujutsu Kaisen - End Credits LOST IN PARADISE BY ALI FEAT. AKLO
Jujutsu Kaisen - End Credits LOST IN PARADISE BY ALI FEAT. AKLO
EDIT: Ang layo ng theme ng original music video. Ang dark ng theme ng MV, pero ang groovy ng kanta. Bakit parang Michael Jackson madalas nakikita ko na style ng Japanese performances.
Original Music Video - LOST IN PARADISE BY ALI FEAT. AKLO
Original Music Video - LOST IN PARADISE BY ALI FEAT. AKLO
-
November 9th, 2020 09:18 PM #222
-
November 10th, 2020 08:46 AM #223
-
-
December 19th, 2020 08:30 PM #225
Nanood ako special screening sa SM Masinag ng Demon Slayer movie last Saturday, December 12.
2 seats apart ang set up sa loob ng sinehan then alternate per row kaya wala katapat na tao sa harapan mo.. Mas pabor lalo sa mga kinulang ang height na tulad ko..Syempre naka-facemask and face shield kaya I felt safe naman watching the movie sa sinehan. Feeling ko nga mas safe dun kumpara kapag naggu-grocery ako na maraming movement, mas crowded sa paningin ko at same ng tagal ng exposure.. Yung aircon hindi ganun kalakas, expected ko naman.. Dala ko yung air purifier ko for car, nakasaksak sa powerbank then nakatapat sakin while watching for peace of mind lang (kahit alam ko hindi naman yun nakakapatay ng virus
)..
Yung special screening meron free poster, 5 button pins, A1 plastic folder and pop-corn na makukuha before pumasok sa sinehan. Yung free shirt na dapat kasama din hindi namin nakuha nasa customs pa daw and hindi pa nila ma-release. So waiting pa kami kung kelan kami i-notify through text message kung kelan namin ma-claim yung free shirt.
About naman sa movieas usual amazing animation.. Napapa-ilag pa din ako sa mga action scenes and very impressive yung pagkaka-drawing. Di ko nga lang napaghandaan na kelangan ko pala i-prepare sarili ko sa tearjerker na scene.. Grabe !! ang hirap kapag naka facemask and face shield na dapat hindi mo kelang i-touch ang mata mo.. Di ako maka-move on sa character ni Rengoku, favorite ko yung presence nya sa anime series and sa movie.. Itsura palang meron na sense of responsibility and alam mo hindi ka pababayaan..
Syempre after ng Japanese movie special, isa na namang mahabang paghihintay..
DEMON SLAYER SEASON 2 PLEASE!!!
-
-
February 7th, 2021 08:23 PM #227
Update pala dito.. Nakuha ko na yung T-Shirt last Jan 2, 2021.. Kapag babae yung fan Nezuko yung binibigay nila.. Kapag lalaki si Tanjiro naman..
Naalala ko yung movie.. Nakakalungkot..
Sana mag-available din sa Netflix [emoji41]..
-
February 7th, 2021 09:13 PM #228
I watched Your Name and Weathering With you.
Dahil doon nahilig ako sa OST (Radwimps), okay din playlist pang drive kahit hindi mo naiintindihan yung lyrics.
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
February 7th, 2021 09:28 PM #229
-
February 7th, 2021 09:32 PM #230
Naalala ko pala yung pinanood ko nung year-end..
AJIN Demi Human na live action.. Nagandahan ako sa pagkaka-gawa nung movie.. Pero mas maganda na panoorin muna yung anime bago yung live action movie.. Medyo short-cut yung ibang parts sa movie.. Tsaka hindi din nabigyan ng screentime yung ibang characters.. Sa anime maganda yung backstory nila.. And detailed yung pagkaka-train sa Shadow..
Ford kasi... it needs a lot of TLC. ;) Kidding aside, I don't know if other turbo vehicles have...
0dometer problem