Nagpunta ako sa Circuit Makati nung weekend.. Nabiktima na naman ako ni waze, this time hindi ko na-missed ang right turn ko sa C6 pero yung dinaanan ko naman pang-motor [emoji28]..
Grabe yung challenge sa kalsada, ok naman hindi heavy traffic pero wow talaga!! Alalay lang lagi sa drive, buti wala ako nakakasalubong na 4 wheels..
Natandaan ko na yung daan na yun!! Wew!!
Muntikan pa ako mabudol, may lalaki na lumapit sa sasakyan, gusto pababain yung bintana ko, panay senyas.. Buti na lang nung umusad na ako di na ako hinabol, ang dami tumakbo sa isip ko na scenario..
Basta wala dun ang option na ibaba ang bintana..
Yung mga weekend drive ko lately 2-3 hours yung allowance ko sa byahe.. Matagal, pero hindi ko namamalayan ang oras.. Di ko alam kung bakit.. [emoji16] Enjoy pa din ako mag-drive kahit heavy traffic (salamat Spotify)..