
Originally Posted by
timtonymanu
I was at Baler last week, took the Pantabangan route.
Maganda na ang daan, paved na lahat, wala na din yung sinasabi nila na mga rough road sa approach ng mga bridges, naayos na lahat (well except for one before the town proper of Pantabangan).
Cemented na din yung sa town ng Castaneda, Nueva Viscaya. Yun namang napakaraming humps sa may check point (kung saan one-way yung kalsada) eh tinaggal na din kaya mabilis na ang salubungan ng mga sasakyan.
Kaya kahit sedan lang ang dalhin no worries. As always, make sure lang na maganda ang kondisyon ng sasakyan (at ng driver na din), medyo may mga steep inclines eh, lalo na from Pantabangan to
the town of Maria Aurora.
Yung via Bongabon route, according sa mga locals, 4x4 vehicles lang daw ang advisable dumaan dun dahil sa may mga portions na rough road pa at may tulay na di pa nagagawa, so literally tumatawid daw sa ilog yung mga sasakyan.
HTH