Quote Originally Posted by jedi View Post
ilocano din ako pero di ko alam paano gumawa ng dinakdakan..

paano nga ba? paturo naman mga expert ilocano cook dyan
yong version ko ng dinakdakan:
Bili ka ng tenga ng baboy kasama ang utak,
linisin at ilaga/palambutin ang tenga lagyan ng asin,paminta,etc para may lasa din,kasama yong utak sa palalambutin pero nakabalot dapat yon ng plastic para di madurog at para mapakinabangan,
pag malambot na yong tenga ng baboy,iihaw ng bahagya then slice ng malilit like yong pang kilawen,slice din ng sibuyas luya, paghaluin lahat at timplahan mo na gaya sa kilawen at ihalo mo din yong nilagang utak,konting suka,paminta.pag kulang utak ay dagdagan mo na ng mayonaise