mga sir, regarding your concerns kung underpowered ang makina ng pregio? actually hindi, design talaga ang makina to haul 10 or more than 10 pa nga na tao. Ang pick up ng torque ng makina nasa 2.2 to 2.5rpm doon mararamdaman yung lakas ng makina at hindi ka ibibitin kung nandun na ang rpm mo.
yung pregio ko 98 model manual tranny malakas naman sa akyatan syempre iba pa din ang naka turbo mas makaka-overtake.
suggestion ko lang para mapalakas ang hatak pacheck nyo ito
1. injection pump
2. nozzle (baka hindi na maganda ang pagdaan ng diesel dito)
3. pressure plate sa transmission (baka may slip na kaya hindi tugma ang binibigay ng makina sa transmission)
kaya tumakbo ng 140kph ang pregio basta maganda ang condition ng makina. sa sctext napatakbo ko ng 135kph ang pregio ko nasa near 4K ang rpm
sir esnie wala ako ma say sa manual trans ng pregio talagang powerful but sa matic hehehe parang ala din presure plate clutch disc ang matic kaya rebuild ulit ng matic trans hehehe
* bluwave, pwede rin makinis o pantay ang surface ng disk mo pero warped (deformed) naman o hindi na direcho, nangyari na ito sa ride ko dati na kia pride. sa simpleng tingin sa side ng disk ay makikita mo kung deformed ito o hindi. itanong mo sa mekaniko mo kung magkano magpa-REFACE (sa machine shop ito ginagawa kaya mahal), baka naman mas mura pa na bumili ng surplus.
sa brake fluid naman, malabo ang water contamination, mauunang mag-leak ang brake fluid bago mapasukan ng tubig ang system. mahirap naman din ang mag-total drain ng brake system. tulad ng sabi si sir esnie, magpa-bleed ka na lang regularly, say every six months o kasabay ng change oil mo.
na-gets ko na ang sinasabi mo. ang rad fan pala natin ay hindi basta-basta umiikot, kumbaga e bumubwelo pa ito, langis sa clutch ang nagko-control sa pag-andar nito. ang advise sa akin ng mekaniko ko ay gawing permanent ang pag-ikot nito para mag-improve ang cooling, bale maglalagay ng bracket para ma-connect ang fan directly sa mounting plate para ma-bypass ang clutch. marami daw gumagawa nito. isa pa para ma-ensure ang good water circulation at cooling ay tinanggal niya ang thermostatic valve (para maging free-flowing ang circulation ng tubig). pag nag-fail kasi ang valve na ito siguradong mag-o-overheat ang engine natin. (nangyari ito sa honda civic ko dati).
sir esnie at sir aga, eto naman ang sad story ko regarding radiator: na-research ko ang isang gumagawa ng replacement radiator para sa ating rides, Radphil ang company. So kinontak ko ang planta at dahil sa magandang in-house price nila ay nag-decide ako na ang brand na lang nila ang bilhin (impressive din kasi ang website nila at madalas ako malapit sa area nila). eto ngayon ang problema, kahapon nang ikakabit na namin ang 3-row rad na bago HINDI magkasya dahil malapad ang radiator nila (kaya sala din ang mga mounting holes). before that napansin din ng mekaniko na pilipit ito, bale hindi aligned ang top at bottom part ng radiator. isa pa, mukhang may dugtungan sa bandang gitna ng top ang bottom parts na pwedeng ang ibig sabihin ay repaired ang ibinigay sa akin o re-processed ito galing sa ibang model o stock na hindi talaga para sa kia pregio natin. isosoli namin ito bukas kaya sana lang ay ibalik na lang nila ang pera ko.![]()
kung benefits ang pag uusapan mas maganda talga kung clutch fan kasi mas doble ang ikot ng blades kumpara sa naka-rekta na yung blades. marami nga gumagawa nito usually yung mga nagtitipid pero ang disadvantages ng naka rekta yung blade kapag natrapik doon makikita na tataas ang temp kaya yung iba naglalagay pa ng aux fan sa rad.
naku sabit yung sa kia pregio ko 3 rows evercool user friendly plug and play walang ka sabit sabit,, kahit evercool na 4 rows kasya,,
mga sirs,
saan pwede makabili/hingi/hiram/copy/download ng user manual ng pregio gs '97? tsaka saan ang magandang talyer for pregios sa may alabang/sucat area? first diesel ko ito.
salamat.
Good pm po
meron po akong KIA PREGIO... 2nd hand n namin nabili un . plano sana namin palitan ng makina ..2L turbo b ang pwede..at kung saan sa banaue makkabili ng mura.. pwede b sa subic? nabasa ko kasi mura makina sa subicpls advice poh
mga sir ask ko lang kung saan pwede makabili ng harness for my 97 model pregio. tumirik sya sa flyover yon pala nasusunog na mga wires pati negative and postve batery wires nya. ok lng kahit surplus. ty po
sir anu cause at nasunog mga wirings? dapat fuse muna ang masira before masunog ang wires.
afaik wala naman nabibili na harness except for grounding kit, pwede mo dalin saan man na electrical shop na kilala mo para ma-rewire nila ulit at macheck ang cause.
keep us posted sir, malaking tulong yan para hindi mangyari sa ibang owner ng pregio.
sir baka over ang amp ng mga fuse mo at saka baka mga lokal ang fuse kaya di nag cu-cut off mag cacause talaga ng sunog yan o baka naman ang nasunog eh yung fuse box malapit sa tuhod natin? btw sunog na din pala fuse box ko kaya naka hiwalay na lahat ng fuse hehehe
meron din pala tayong mga fuse sa malapit sa battery mas delikado yun kaya di ako nagbubuhos ng tubig sa battery dahil maselan yung mga fuse dun
naranasan ko na yun total black out kuryente ng pregio ko