
Originally Posted by
Tignotech
Good day mga sir. This is Paul, bagong member lang po. Magpapatulong sana ako sa problema ng pregio ko. Nabili ko secondhand 96 model local ver 2.7 about 2 weeks ago. Napansin ko na malalim ang preno pero binili ko parin kasi akala ko madali lang ayusin. baka pudpud na mga brake pads. Kaya lang matapos mapalitan ng mga pads ng mekaniko lumulusot parin ang brake pedal o lumulubog pag pump. Napansin naman na me leak yung brake valve na nasa likod malapit sa dif. Pinalitan ng T-conector kaso lalo nawala ang brakes. Sumuko na mekaniko di nya daw kaya. Inilipat ko sa mekanikong iba. Pinabili ako ng bagong brake master and bagong hydrovac, caliper repair kit, drum brake cylinder repair kit, pero di parin nagawa. Wala namang leak sa brake lines and other parts. Now it's mechanic number 3, 2nd day na ginagawa di parin makita problema. Binilihan ko na rin ng orig brand new brake valve. Ganun parin.
Can anybody please help me! I'm very much frustrated sa purchase ko. It's been 3 master cylinder, 2 master cylinder repair kit, 2 hydrovacs, 3 mechanics and 7 liters of fluids already. Still no brakes!!!
Thanks in advance, sorry sa haba ng post.