Siguro yung 250 bro, assuming na linis lang ang gagawin at walang parts na papalitan. Hm, ilang taon na crosswind mo sir? casa maintained parin ba? hmm, ako kasi after 5 yrs, sa trusted mechanic ko na pinapagawa. So far so good naman, siya nagttune up, change oil, etc. Minsan nga bro, sa casa pa nagkaka-aberya. Well, that's me. Last time kasi yung water sedimentor ko nag-mamalfunction. Sabi ng casa okay na, pero nung pinacheck ko sa trusted mechanic, binunot lang pala ng taga-casa. To think na siningil pa nila ako, binunot lang pala ang wire sa socket para hindi umilaw ang indicator tsk tsk. Sometimes, casa is not the best option for me. Again, that's just me hehe. Anyway, balitaan mo kami sir kung magkano aabutin sa casa ang palinis.
