New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 27

Hybrid View

  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,765
    #1
    baka nga kelangan ng calibration kasi puti ang usok. alam ko pag diesel dapat itim siya pero mababa opacity.

  2. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #2
    tanong lang po

    di ba ang diesel pag puti ang usok - good for overhauling na? sa kotse pag itim naman ang usok ganon din?

  3. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    288
    #3
    white smoke means unburned diesel. baka madumi lang ang air filter o baka kailangan lang ng injector cleaning or calibration na nga. unahin mo muna ang air filter(linis or palitan mo na, mura lang naman), kung mausok pa rin then injector cleaning at kung mausok pa rin calibration na.

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #4
    San ba ok na magpa injector cleaning? tsaka magkano yun?

  5. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    93
    #5
    Ung white smoke should be gone by 4-5 mins or kapag uminit na ung engine.

    si sir Xwind and rsnald my calibration instruction i had it printed and stored a copy sa XTO ko. di ko pa nagagawa kasi di talaga ako marunong. i asked my dad's trusted Mechanic, di naman na daw kailangan un ang sabi sakin.

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    174
    #6
    Quote Originally Posted by oliver1013 View Post
    San ba ok na magpa injector cleaning? tsaka magkano yun?

    calibration cost? Ang papalitan ay ang mga nozzle...4 yata. Malalaki na ang butas. After the calibration...cleaner exhaust and more power.

    More or less 5T yung nagasto ko dito sa Gensan city.

  7. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,741
    #7
    Quote Originally Posted by ramledi View Post
    white smoke means unburned diesel. baka madumi lang ang air filter o baka kailangan lang ng injector cleaning or calibration na nga. unahin mo muna ang air filter(linis or palitan mo na, mura lang naman), kung mausok pa rin then injector cleaning at kung mausok pa rin calibration na.
    Sang-ayon ako dito. Unahin muna ang mas mura ang gasto.
    1. Change air filter. 250+ pesos lang po ito.
    2. Change fuel filter, kailan ka huling nag palit?

    Mausok ng puti pa rin?
    1. Check injectors possible meron dyan barado/kulang ang butas. Pwede mo luwagan ang injector high pressure pipe isa-isa habang umaandar, bale "air bleed na rin". observe kung parehas ang epekto sa andar ng makina. Dapat magmenor ang andar pag niluwagan ang isa, pag meron halos hindi nagbago ang particular injector ay may deperensya.

    2. Nagbabawas ng langis na maputi halos blue narin ang kulay na usok? Check valve seal ng intake exhaust valves baka meron dyan sira/leaking oil punta sa combustion chamber.

    Ung white smoke should be gone by 4-5 mins or kapag uminit na ung engine.

    [quote]si sir Xwind and rsnald my calibration instruction i had it printed and stored a copy sa XTO ko. di ko pa nagagawa kasi di talaga ako marunong. i asked my dad's trusted Mechanic, di naman na daw kailangan un ang sabi sakin.[/unquote]

    Calibration po ay ginagawa lang sa calibration shop na may fuel injector calibration/test pump. Bale check lang ang opening pressure ng injector (ito ang pressure na umpisa mag spray ng fuel ang nozzle say 130 Bar) and check spray pattern, dapat atomized ang buga ng krudo.

    Mukhang bulok ang sagot ng mekaniko nyo. Ang fuel injectors ay routine/regular na kina-calibrate para ma maintain ang ideal engine performance. wear & tear ng injector parts ay normal na panggalingan ng failure e.g. weak spring, over sized nozzle holes, loose needle valve, incorrect angle of spray just to mention some. Hindi naman porke recalibrate ay palit nozzle kaagad, palit lang pag may defect. Kung meron kang calibration pump pwede mo gawin ito.

    [quote]Black smoke means unburned diesel. Masyadong rich ang fuel:air mixture. white smoke is something else.[/unquote]

    White smoke means more air less fuel.
    Last edited by weisshorn; February 6th, 2010 at 01:33 PM. Reason: addl infos

  8. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    2,840
    #8
    Black smoke means unburned diesel. Masyadong rich ang fuel:air mixture. white smoke is something else.

    http://www.uniteddiesel.co.uk/diesel-engine-smoke.php

    ask Dieseldude dun sa workshop subforum

Crosswind XTO ilang beses na nasita dahil sa usok