Pupunta ko sa sabado, 10 a.m. Makikita mo yung location ng station nina chieffy dito http://www.pbase.com/chieffy/marc_caltex
Wala silang Dextron 3, kaya ako na yung nagpalit ng sa sasakyan. bumili ako sa castrol ng atf nila. Kala ko nga mga 8 liters papalitan yung pala 3 liters lang puno na.
Tnx bro. Kta tayo sa Sat. Actually yung 3 liters partial ATF change lang. You have to remove the complete oil pan to drain it plus the filter. Anyways Im still thinking if I will do it myself. Im still studying it. Kung masyadong hassle I will bring it to chieffy. Tnx uli!
kaya pala 3 liters lang, di ko pa alam pano mag tangal ng oilpan or filter kaya malamang ipagawa ko na lang yun. Pero magaspang na yung texture ng atf na lumabas dun sa drain kaya sa tingin ko kelangan din talagang palitan.
Originally posted by mauler kaya pala 3 liters lang, di ko pa alam pano mag tangal ng oilpan or filter kaya malamang ipagawa ko na lang yun. Pero magaspang na yung texture ng atf na lumabas dun sa drain kaya sa tingin ko kelangan din talagang palitan.
Yup. Mga 8+ liters capacity ng tranny. I'll show you the owner's manual I bought this Sat. Pang Big Horn talaga(",)
mauler,
Nagkita ba kayo ni garyq. kumusta naman ang eb niyo? Madali lang ba ilipat ang antenna sa right side at ang wiper. Magkano naman ang cost? Siguro mukang model 2003 na ang lotus natin. hehehe. Sayang may lakad kasi kami ng family nakasched na kasi yon eh. D bale marami pa naman time. Yung hood mo ba papalitan mo rin ba at ang headlight mo? Sige promise sa susunod na eb niyo sasama na ako.
nagkita kami ni gary dun sa eb, meron fun run on sept 20, sa tagaytay, kung pwede ka sama ka.
nung kinuha namin kasi yung sasakyan nalipat na nila yung wipers at antenna eh. di ko na maalala yung price ng wipers sa Walco, pero kung tama ako 1T ang isa nun. Hindi na kasi pwede yung wiper mo pag ililipat. definitely medyo mahirap maglipat ng antenna and wipers kasi kelangan nilang takpan yung luma tapos gawa ng bagong butas para sa bago.
ok cge sasama ako sa sept 20 pa naman tamang tama para maroad test ng husto. Nong pinatanggal mo ang fender mirror mo anong pinangtakip mo sa butas non? nakakabit pa kasi sakin patatanggal ko nga pra d ovious na converter. pamasilya mo ba o nilagyang mo lang ng takip sa ilalim ng rubber. Thanks
Mauler,
ok thanks d bale punta nalang akong talyer para patanggal ko. may owners manual kaba? okay bang bumili non or wag nalang. Gumagamit ka ba ng biodiesel? Parang gusto kong itry. Nong nagparehistro ka pumasa kaba agad sa emmision test?
wala akong owner's manual eh, pero siyempre mas maganda kung meron ka.
Nakagamit na ko ng biodiesel before, mga 5% solution ginamit ko, wala naman akong napansin bad effect. Balak ko nga bumili ulit para tuloy-tuloy gamit.
Di ko pa narehistro kasi october pa yung sa kin, yung binilan namin nagparehistro at kami pumili ng ending number. Sa tingin ko naman walang problema dahil di naman mausok yung sasakyan namin, pati yung ke garyq hindi rin mausok nung nagmeet kami sa EB.
garyq,
ako mga 99% palang kung saturday. Tanong ko pala ang Shell SLEX ba don sa south expressway? Saka pre pwede ko bang masilip ang bighorn owner's manual mo tignan ko lang kung kailangan bumili pa ako. May mabibilhan ba ako ng biodiesel sa sept 20 may magbebenta ba don? Thanks
Shell SLEX, yup after the Filinvest exit. May HenLin, DeliFrance,Jollibee, etc. Owner's Manual-no problem. Biodiesel-baka sponsor tayo ng Senbel so baka meron. Punta na kayo no mauler para tatlo tayo na Trooper.
Mga peeps...dami ko nakikita bighorn sa kalye ngayon...ito ba yung galing subic?...ayos ba bumili nito...tsaka mga magkano cost and mga gastos sa misc repairs/adj after sales?...slamat po.
Yup. Between 530-600K. Ayos ba bumili nito? Depende sa bibili. Ako mahilig mag kalikot coz DIY ako tapos I needed a bigger vehicle coz yung isang car ko Honda EG hatch. You should know the pros and cons of buying converted rigs. Repairs and preventive maintenance, nasa 30K nako. Join the group coz three guys have this rig, ako, mauler and nap.
Mauler , Gary:
Kailangan ba ng turbo timer? Ano ba ang use nito? Ano ang Pros ang cons nito?
32mcute: Oo ok ang performance ng bighorn sa dealer ko binili kaya medyo mataas 565K. Kung pipili ka piliin mo ang lotus edition ng bighorn kasi yun ang top of the line. Browse ka sa buy n sell maraming 4 sale. Kung gusto mo sa subic ka bumili mag auction ka para makakuha ka ng mababa magtanong ka kay gary mas kabisado niya.