:offtopic:Originally Posted by FrankDrebin
x-wind lang sir
for me. got mine sa isuzu makati. ok ang service nila dun ang yung mga sales ang yung personel.. ok dun. maasikaso agad.
baurtwell; i think isuzu makati ang may pinakakonting horror stories sa lahat ng dealer according to isuzu gurus here in tsikot.
i think isuzu alabang is a little better than isuzu makati, i find some people sa makati are a$$^0%3s
If u have a problem sa Isuzu Gencars sabihin nyo lang. I can work it out for u.
i beg to disagree. they hit my bumper and it was good i checked the car before releasing time, coz they were repainting it, without advising me. so i demanded a new bumper, and after a little haggling, they gave in. but then again, it's their fault.in my own opinion, all isuzu dealers need to think over their goals for customer satisfactionOriginally Posted by baurtwellXUV
Isuzu Gencars ba yan bro. If you have a problem just PM me.Originally Posted by av8or5
Thanks.
thanks bro..im happy naman with isuzu batangas where i got my trup..bilis..in and out in a couple of hours....but i did notice talaga that they don't have good cust relations group...are you working with isuzuOriginally Posted by CLAVEL3699
nope. I know a lot of people there.
Kaya pwede kita ma2lungan.
May kilala din ako sa Isuzu Batangas.
If u have bro dont hesitate to PM me.
Originally Posted by kurt
sylvestre ba name nyan sa?hehe
sa isuzu manila ba ok magpaservce? sobrang badtrip na ako sa IQA eh...![]()
just want to share my horrible experience sa mga isuzu dealers on my hilander xtrm 2000 manual tranny. (sorry kng mahaba 'to, sana maging lesson 'to sa kanila)
sa Isuzu Quezon Ave - dito ako nagpapa-service since pagkabili ko ng ride ko hanggang 25T KM checkup. ang problema, nung 20T checkup, hindi sila nag-repack ng bearings. nasa 23T Km ata odo ko nung biglang nadurog ang mga bearings ko sa harap while driving 80-90 Km/h sa highway ng nueva ecija.
buti na lng open yng isuzu cabanatuan (saturday) & dun napalitan yng mga basag na bearings. ang masama, may slight bent yng spindle ko (dahil sa init & high speed) kaya napabili ako ng bnew spindle, resurface ng brake rotors, palit ng brake pads (kc hindi na pantay ang kayod), bili ng bnew bearings (ang mahal pa), palit ng hub (kc naupod yng dulo & di na pwede kabitan ng oil cap), change brake fluid (naging malapot dahil sa init).
sabi ng service advisor ng isuzu cabanatuan, kinalimutan daw mag-repack nung 20T checkup kaya ganun daw nangyari. buti na lng daw hindi nauna yng gulong ko sa sasakyan (may gana pa cyang tumawa noon) at naitabi ko raw agad yng sasakyan. dahil kinalimutan (o tinamad) mag-repack ng IQA, ang laki ng gastos ko para i-restore sa running condition ang ride ko.
Isuzu Gencars Makati - dito ko dinala nung 30T checkup, pagdating ko pa lng, sabi agad marumi ang aircon ko (just by looking inside ha, hindi pa nya na turn-on yng aircon) kc pag marumi daw ang aircon, dun magsisimula ang rust sa mga evaporators, and in the long run, sisingaw ang freon & mahal ang magpa-repair.
kaya sabi ko sige palinis ko na ang aircon including 30T checkup. nung nailabas na yng sasakyan & na-park ko na sa bahay, i found out na nawala ang fuse puller ko, sobrang dumi ng mga sides ng interior (dahil sa dirty hands na humawak sa gilid-gilid) pati yng volume knob ng pioneer ko ang dumi!
buti na lng kaya linisin ng carpet cleaner & all-purpose cleaner yng interior. hassle lng nga kc dapat malinis sila magtrabaho at hindi ka na dapat maglilinis pa uli ng interior! nireklamo ko yng fuse puller sa gencars pero sabi nila wala daw silang fuse puller na pamalit. kya ngayon tiyaga ako sa screwdriver pag merong sabog na fuse.
Isuzu Manila - dito na ako nagpa service ng 35T & 40T. ok naman dito kc pwede mo panoorin kng paano nila i-service yng ride mo kc may glass window sa showroom na makikita mo yng service bay. eto naman ang problema -- pag dinala na nila yng ride papuntang service bay, parang may sili sa pwet yng service advisor at gusto pa atang i-redline ang rpm para lng i-park yng ride ko sa service bay. maririnig mo yng screeech ng gulong kahit behind na ako ng glass window. tapos pinatugtog ng malakas yng sounds ko (i have a pioneer 200w subs with built-in amp) kya bumabayo ang buong service bay! lintek talaga, gusto ko sila sugurin sa service bay!
eto pa, nung 35T checkup, sabi ng Isuzu Manila na sira daw yng secondary clutch ko. kaya daw ayusin yun kc meron daw silang repair kit nun. sabi ko cge palitan nyo na, baka nga talaga may sira. pero nung 40T checkup, ganun na naman sinabi sakin. sabi ko sa kanila pinalitan na yan nung 35T checkup tapos 'tong 40T checkup palit na naman? wala naman akong problem sa pag shift, even paglagay sa reverse! cguro napansin nila na alam kong walang problem ang clutch kaya hindi na nila ginalaw yun. sus papagastusin pa nila ako sa repair kit na wala namang problem yng clutch.
isa pa, may nakitang leak sa radiator ko sa kabitan ng hose. ang sabi ba naman sakin dapat daw i-overhaul yng radiator kc may leak. sabi ko lagyan nila ng sealant yng portion ng radiator before nila ilagay yng hose. nung una ayaw nila pumayag, dapat daw talaga ibaba yng radiator, sabi ko sige ibaba nyo pero hindi ko mababayan yan kc ala akong pera. in the end, nilagyan na lng nila talaga ng sealant yng radiator. hanggang ngayon walang leak yng radiator ko.
nag-iisip tuloy ako kng saan ko naman dadalhin ang ride ko pagdating ng 45T Km checkup...
nakakapanglumo pag naririnig or nababasa ko yung mga masasamang experience ng isuzu owners like that jagxtrm.
kala ko pa naman maayos ang isuzu manila and makati...
kaya ako, I tried to learn most of the basic maintenance jobs that the casa does on my ride (an '01 xto), kaya DIY na lang ginagawa ko.
as for the wheel bearings, nabanggit sakin na mas mahina nga daw ang bearings ng isuzu xtrm (2000 model) compared to the crosswinds dahil masyado daw maliit considering the wide and heavy tires of the xtrm (235's yata yan dre). hinay hinay na lang sa pagmamaneho specially on rough roads.
about the secondary clutch, yan ba yung meron spring and rubber gasket na pinapalitan? pinalitan din kasi yung sakin on my 20T PMS sa isuzu balintawak kahit di ko naman nirereport na sira or di naman ako nahihirapan mag change gears. mukhang mahilig sila mandugas ng secondary clutch repair kit talaga.
ang pinaka worst experience ko lang sa isuzu balintawak, yung hindi nila binalik yung wiring ng water detector. magpapalusot pa yung service advisor na baka daw sa ibang casa nakalimutan e dun lang naman ako nagpapagawa sa kanila. hehehe
my ride is already 100,500km+ and I've been doing my own PMS after 50T km except for the major ones like repacking the bearing, or wheel alignment. recently, nagpalit na rin ako ng clutch disc/pressure plate, clutch release bearing, pilot bearing and front disc pads. if you travel a lot and use the brakes and clutch a lot, malamang na worn out na clutch and brake pads mo after 90,000 kms. for these major repairs, what i did was get the parts from casa, then punta sa suking servitek... yung trusted and proven ko na. dun pwede mo pa panoorin kung pano nila gawin and minsan, nakikikalikot na rin ako ng ride ko habang nakataas sya sa hydraulic lift :D libre tips pa on basic maintenance from the mechanics ;)
Isuzu Cavite looks ok! So far ... They were able to fix my squeaking driver seat that Alabang could'nt. Mabilis naman yun service nila, satisfied ako with my 1.5k PMS ... Maayos ang work after buying a few accesories.
Isuzu Alabang, Mabilis! Mabilis sila sa pagbenta! hehehe Waiting for a scheduled work there is horrendous. Andun ka na sa counter, titignan ka lang ng service advisors... pati guard mataray(WTF?) Yun squeaking seat problem took them half a day. before that, I waited more than 2 hours for the SA to get the Warranty Guy para iasses lang yun car. Then when processing my loan, the Sales Manager forgot the document at her home. Asa isang planner daw nya... Eto naka schedule na appoitment sa kanya... yun Ahente ko gave me the wrong price on the unit, so my check bounced. napenalty tuloy ako ... haaaayyyyy!!!! napaka galeng nila
with these horror stories of our, i really don't think Isuzu will last long in the Philippines. Sorry to say, but they got a lot of problems with their fit and finish and probably their suppliers. I have asked many times..where is the best place to maintain our rides? i guess Servitek is good...try ko nga...my car has 15000km already, so time to have it checked elsewhere. tapos na warranty kasi.2 years na car ko. basta isuzu peeps, if you have other suggestions on where to have it maintained, pls share naman.
hmmmmmnnnn bakit yung sa hipag ko yung XUV nya alagang-alaga naman ng Isuzu Manila? dapat mabigyang pansin ang mga ganyang klaseng trabaho ng Isuzu kasi masisira talaga sila sa after sales service tsk tsk tsk....
pag mga basic maintenance, mas maganda siguro pag i-DIY na lang. sumasakit ulo ko habang binabasa mga post dito. Sumusobra na talaga mga yan.
-av8tor-
i agree. kasi before before ako bumili ng XUV. tried at ISUZU manila. service there is SH!T...pagpumasok ka ng showroom, ayun titignan ka lang nga mga sales personel dun. hindi ka man lang nila iaccomodate. nakakag*go! so sa gencars nalang ako nagpunta. mas ok pa dun. mababait ang tao. so far naman wag na silang sumablay. kasi dun ako nagpapaservice sa ISUZU makati. so far ok naman.... pero if the other ISUZU dealers katulad sa manila, quezon ave. hindi cla magtatagal sa business na lalo na gumanda pa yung sales and service nila... ayon lang po :hippie:
waahh..san ko ba dadalhin un trooper ngayn..ayaw ko na sa q ave e...kelngan na sya ma pms e
try mo isuzu pasig... ayos daw sila. pero handa mo lang isang bayong na pera at $$$$mahal$$$ sila sumingil...pero sabi nga nila... you get what you pay for :DOriginally Posted by papao
![]()