I used to own a 2013 Hyundai Elantra 1.6GL. Na turn off talaga ako sa after sales ng Hyundai. Regarding PMS, you really have to know what's indicated on your maintenance schedule para yun lang ang ipapaayos ninyo. Lagi akong nagdadala ng sarili kong oil and yun ang pinapagamit ko sa kanila.
I don't recommend going fully synthetic lalo na pag bago pa ang sasakyan, unless na lang siguro na talagang gagamitin ng OA. Masasayang lang kasi lagi naman kayong magpapa change oil based sa maintenance.
Isa pang ginagawa ko is nagpapa quote ako through email before going to CASA para alam ko na gastos ko before ako pumunta. Also, napapaalis ko na lahat ng mga "extras" nila before ako dumating.