I recently acquired a 2nd hand 2003 CRV A/T. First time ko makahawak ng Honda, having used Toyotas for many years. May ilang concerns lang ako at sana ay matulungan ninyo ako:

POOR RADIO RECEPTION -- Halos hindi ako makasagap ng channels. Kung meron man, masyadong mahina talaga. Ano kaya ang problema? Do I need to replace the stock rubber antenna at the top rear?

LOST OR FAULTY REMOTE KEY -- Kung sakaling mawala o masira ang remote control fob, paano mapapaandar ang auto? May paraan ba to override the remote? Yung dating Toyota ko kasi, may naka install na alarm (Autopage). Pag binuksan ang pinto, tutunog ang alarm pero ipasok mo lang ang susi sa ignition key, turn it on, tapos pindutin ang hidden switch sa ilalim ng manibela, madi-disarm na yung alarm.

After reading some forums, may nakapag sabi sa akin na buksan ko lang daw ang pinto, madi-disarm na ang alarm. Gumana naman sa original key pero nagtataka ako kung bakit same din ang result pag ginamit ko ang duplicate key (gawa sa Mr. Quickie). Hindi daw dapat ganun. Hindi kaya naka valet mode ang alarm? Pag in-arm at disarm, walang sound na lumalabas sa horn. Paano ba ito?

DUAL AIRCON? -- Kawawa palagi ang mga pasahero ko sa likod kasi matagal bago lumamig ang buong sasakyan. Meron ba ko pwede pa-install na aftermarket parts? Maski fan lang pwede na siguro, para lang madali lumamig sa likod.

MAINTENANCE SCHEDULE -- Nung makuha ko ang CRV, nakaka 73k plus kilometers na sya. Medyo maitim na ang langis. Maayos naman ang takbo over all. Aside from the regular change oil, ano pa ba ang dapat patignan na dapat na palitan? Alam ko na mahal sa casa magpa-PMS, so saan maganda ipagawa ito? May nagsabi sa akin na ako na lang daw bumili ng oil (fully synthetic, 0W-50 or 20W-50?), spark plug (what brand, iridium or platinum?), oil filter at air filter at ipagawa sa mga gas stations.

By the way, baka meron sa inyo dyan na owner's manual. Pahingi naman. Wala kasi ako makita sa internet.

I would appreciate your inputs and suggestions. Thanks in advance