Nawala na yung nginig ng FIT ko. Transmission Fluid lang pala katapat nun, buti di ako kumagat sa palit flywheel or Tranny replacement PHEW!
Thanks mga masters :D
At yung TPS ko, ok na swabe na takbo.
Guys
San ok magpakabit nung 2din head unit para sa ge? Pano din kya ung switches sa steering wheel since japan unit akin.. Magagamit pa kya ung volume and station switches tsaka maapektuhan ba ung ibang switches ( cruise.. Etc)
Tanong ko lang mga boss sino may alam kung san meron reputable shop near pasig, makati or cainta area na pwede mag dikit nung side skirt ko, lumuwag sya at medyo naka angat, galing ako Ziebart Pasig kaso minimum daw nila 800 petot , baka may alam kayong mas mura.TIA.!
mga paps,
naka-sked ako ng 60km pms... kita ko sa manual na due for replacement ung transmission oil (M/T) plus ung brake fluid?... magkano kaya damage nun? saka for the 60km, may iba pa ba na due for replacement talaga? kita ko kasi sa honda makati site:
- Honda Engine Oil Replaced - ok
- Engine Oil Filter Replaced - ok
- Tie rod Ends, Steering Gearbox & Boots Checked
- Suspension Components Checked
- Exhaust System Checked
- Brake hoses, Lines & Connections Checked
- Front & Rear Brakes Checked
- Driveshaft Boots Checked
- Fuel Tank, Fuel Lines & Connections Checked
- Fuel Filter Replaced (at 6th year Only) -
di ko alam bakit nasa list to ng honda makati pero may nakalagay naman na 6th year? ano ba to pa-in/trap para sa mga kakagat na owners na mag-pa-pa-pms?
- Drive Belts Replaced - kelangan ba talaga to? kasi sa manual e sa 4th yr pa ang next check nito.... saka isa pa, kahit 3 yrs na ko e wala pang 20k ang odo ko e...
- Air Cleaner Element Replaced - eto po ba yung "2AP FLTR ELEM'T WHIT GR8 (Php1,903.00)? had it replaced kasi last year naman
- Spark Plugs Replaced - e di ba 100k?
- Brake Fluid Replaced - sa previous PMS ko may brake fluid din na charges, kaso nasa PHp30 lang, e for the 60k PMS po ba as in drain nila lahat muna?
- Transmission Oil Replaced (For MT Only) - eto po ung medyo napaisip ako
- Idle Speed Checked
- Ignition Timing Checked
- All Fluid Levels (Clutch, Brake, Washer, Coolant) Inspected
- Parking Brake Adjustment Checked
- Rotate Tires (Check Conditions, Wear & Pressure Including Spare Tire)
..napaisip tuloy ako, naka sked sana ko bukas e (mar 9) pero hintayin ko muna ang mga experiences/comments nyo mga paps... mukang dun na lang ako sa quezon ave mag papa check... katakot kase ang presyuhan ng ayala branches e
nag-review rin ako ng last check ko, sa honda shaw... nakita ko tong mga kaduda dudang charges:
- wynn engine oil kit part (1 can): Php1,972 - in addition to oil filter & drain plug
- wynn fuel kit part (1 can): Php2,247
- perform flushing service on engine oil (Php675) and Perform Flushing service on fuel system (Php450) - ang kaduda duda kasi dito e under sya ng category na "sublet"... so outsourced ng honda shaw ung service/labor? tapos sa akin siningil? dapat sagot ng branch yun di ba? ibang category kasi ung "labor" w/c by the way is Php1,178...
...was thinking also of buying na lang din ng washable aircon filter... hanap ako sa sulit e wala akong makita (using keywords: "honda aircon filter" ... sino ba ang suki nyo dito mga bro?
thanks thanks!
^
recommended yung Honda SPA sa mindanao avenue, mas ok dito makikita mo pa kung ano ginagawa sa kotse mo.
yung transmission oil replace kailangan din yan, saka hindi naman lagi pinapalitan yan. yung fuel filter dapat noong 5th year napalitan na yung sa akin hindi ko nasabi sa honda. hangang ngayon ok pa naman takbo kaso next pms ko papalitan ko na din yung fuel filter.
sa suilit type mo: torque washable car cabin aircon filter
37k pa lang sakin after 5 years. By mileage dapat ang sunday sa pag palit ng fuel filter right?
ang nakalagay kasi sa manual ay 80T Km or 48 months (which ever comes first).
unless suspected na madumi ung fuel source mo, 40T Km or 24 months (which ever comes first).
pero hindi ko rin maintindihan bakit hindi na lang mileage ang basehan para sa fuel filter replacement. nasisira ba sya habang nakababad sa gasolina?
Nagpaquote ako sa Honda SPA Mindanao Avenue, 4 years na sasakyan ko, 15,600 ang estimate. Reasonable ba?
Si Lorna ba yung nakausap mo, pwede mo sya ask for breakdown, bibigay naman nya yun. Thats what im doing before pumunta sa kanila.
wala pa naman problema kaso pang 6th year na ng auto ngayon 2014. for maintenance na din palitan ko na yung filter sa next PMS. bakit kaya sobrang mahal ng filter ng jazz natin kumpara sa iba.