
Originally Posted by
rico_yan
Sir, similar din na-experience ko sa 2012 Jazz 1.3. Minsan na-traffic ako, umilaw yung temperature icon sa dashboard pero red color (instead of blue during cold start). Ikinabit ko yung OBDII scanner, yung engine coolant temp (ECT) nasa 104 deg celsius. Napansin ko mahina ang ikot ng radiator fan, parang humihinto agad. Kaya pinalitan ko yung fan motor at change coolant na din.
Sa ngayon, ang operating temperature ko ay 85-87 pag relax driving. Pag aggressive driving o kaya pag sobrang init ng panahon, nasa 93-97 ang range.
Base sa naging experience ko, mataas nga yang temp mo. Siguro next mong i-check or palitan yung thermostat and/or radiator cap.