Mga sir, ask lang po sana ako regarding FC. Kase naka 400Kms nako since nakuha ko nung wednesday, nag ikot ikot ako dito sa makati, tapos umuwi ng pampanga, umabot ng subic, umabot ng fontanna ng gabi, tapos bumalik na dito sa makati kagabe.
eto po mga ginawa ko to check my FC.
nag pa full tank dito sa makati ng wednesday night, nag ikot ikot at nung friday night, umuwi ng pampanga, pagdating ko petron nlex, nagpa full tank ulit ako, i checked my FC Distance/liters used, naka 7Km/L lang ako. then uwi ng pampanga, NLEX lang po daan, pagdating ng pampanga nagpa full thank ulit, check ko 12Km/L, di ko kase tinitignan yung average na sinasabi nung sa panel gauge ko dahil di naman daw accurate yon based sa mga nabasa ko dito. Then I went to honda pampanga, may kilala kase ako don, sya tumulong saken maghanap ng unit dito sa manila. I told her ganon consumption ko, sabi nya hindi raw tama, observe ko pa raw, kung ganon parin daw, pagka 1K PMS ko raw, sabihin ko, baka raw wala sa timing. yung NLEX driving ko without even using brakes yon, kase talagang hinay hinay lang, pag nakita kong may slow movements tanggal ako sa pagka apak sa accelerator, tapos ang 100kph ko nasa 2,100 RPM(same po ba ng sa inyo?) napansin ko lang, pag 100kph ako, parang di nya alam kung mga shift sya ng 4th gear or 5th gear, kase nag iiba iba eh,
minsan biglang mag 3k rpm, tapos biglang mag 2,100 rpm, same lang naman apak ko sa accelerator nyan.
salamat po sa mga sasagot
