Hello po.. Bago lang po ako dito at may bagong cr-v ako bukas na kulay white. Kaso ang panget talaga ng pwet nung crv at parang may kulang yung side view nung sasakyan, pero yung front view naman ay maganda. Yung sides ay pede ko pa magawan ng paraan para gumanda at may naiisip na ako, problema ko nalang yung back. May curve kasi at di ko na alam gagawin o ilalagay para gumanda. Ang gusto ko kasi mag mukhang panglalaki sya at maangas o kaya mag mukhang mamahalin.. hahaha. Di naman kami ganun ka mayaman pero yun talaga gusto ko.. haha. Baka may tips kayo jan? thanks.. Saka sana un mura.


Eto balak ko para sa sides..
1.) Roof rack para mas matangkad tingnan at mas magmukhang pang lalaki. kahit di naman gagamitin.. haha. Para mabawasan din ung itsurang curve nya.
2.)Running Boards para mas maangas lang.
3.)Door visors para mas malaki tingnan..
4.)Black Tint as in super black para bagay sa white color. Lalaki ang dating.
5.) NEed Suggestions.. thanks baka meron pa kayo alam.

Sa Back naman eto lang.
1.)Tailgate Spoiler. Di ko lang alam kung makaka apekto to sa aerodynamics. Pero kaht papano makaka bawas din sya sa curve nung back.
2.) need suggestions. Thanks.

P.S. Di talaga ako masaya na crv sasakyan namin. . Help naman. CIVIC padin nasa puso ko. hahaha. Family kasi nag decide na crv para daw sa baha.