Sakit naman sa mata nung font color mo.
Kung hindi ka naapektuhan sa mga mayayabang -- yung mga magrerev sayo, yung bubusinahan ka ng sunod sunod kasi tumabi ka raw at darating na silang mabibilis, yung gigitgitin ka kasi mas malaki kotse nila sayo, yung lalaitin kotse mo kasi mas maganda raw sakanila, etc. -- eh di ok. Eh di huwag.
[ Ibang usapan na syempre pag ganyan lalo na pag nanggitgit yung ibang sasakyan. Kahit sinong tao eh mababadtrip sa ganyang pagmamaneho. Ano naman kung magrev sila sa tabi mo??? e di ubusin nila gasolina nila, bakit kailangan mong maapektuhan, oo noong college pa ako badtrip din ako sa mga ganyan at alam ko na mauubos lang gaso ko kung patulan ko man sila at wala naman akong mapapala dahil wala naman premyo kung mauna ako sa next stop light.]
Pero hindi naman kami katulad mo, eh. Natural lang na mainis kami, wala naman kaming ginagawa ta's ginagago kami. Nananahimik kami pero rerevvan kami sa gilid.

Ano naman pinapakita nun diba? Kawalan ng utak. Kayabangan.
[ Hayaan mo na lang siya mag drag start at pag naaksidente o nakaaksidente siya eh ikaw naman ang tatawa sa huli di ba? ]
Kung mas gusto mo rin ipagyabang yung mga bagay na bigay sayo, eh di ok. Pero kami kasi mas masaya kung nakabili kami through blood & sweat .. kasi alam namin na yun yung REWARD sa mga pinaghirapan namin.
Anong masaya sa tumitira ka sa bahay na hindi mo naman binili? Anong masaya sa iddrive mo yung sasakyan na hindi mo pinaghirapan? Wala diba.
Para ka lang bata, umaasa. Palamunin. Ganun lang eh. Pero kung may nabili ka nang properties, sasakyan or other assets... at least makikita mo ang fruits of your labor. Meaning, kaya mo na tumayo sa iyong sarili ng may komportableng buhay.
Pero kung nakikigamit ka ng kotse na hindi sayo, tumitira ka sa bahay ng iba ... isipin mo rin ... kung mawala yung mga nagsspoon feed sayo, kaya mo kaya makamit yung mga ganyan gamit sarili mong pera?
Kuha mo na siguro point ko.
Try mo sir bumili ng mga bagay na mahal na pinaghirapan mo. :-) Iba yung feeling, pramis.
Ako kasi simula bata sinusubukan ko na bumili ng mga bagay bagay na gusto ko galing sa pera na iniipon ko eh. Masarap feeling. Hindi mo kailangan umasa talaga sa iba.