mga boss, tama bang sabihin ng isang dealer na hindi accredited sa kanila yung insurance natin kaya hindi pwede mag claim sa insurance at ipagawa sa kanila yung sasakyan?
natawa lang ako sa sinabi ng Marcos Hiway dealership. my wife went there para ipa-assess how much aabutin ng dent kung ipapagawa sa kanila. ganon ang reply nila, hindi daw accredited sa kanila yung insurance ng car namin.
nakuha namin yung car thru bank financing with free 1 year insurance. Ako naghanap ng dealer ko at ako nag forward ng quotation sa bank ng dealer na gusto ko. Anak ng putakte, kung sa kanila pala ako kumuha di nila aayusin Oto ko
we will be having a trip to Ilocos (vigan, laoag, pagudpud) next week and it will be the first long road trip ng city ko. Bale 4 adults ang sakay including me at isang 12 year old kid (5 total).
plano ko magkarga ng shell vpower nitro +racing during this trip and im also planning to top up pag nangalahati na gas tank ko para siguradong hindi ako mauubusan when **** happens. Ang tanong ko po, ok lang ba lets say ngangalahati na gas ko and magkakarga ako ng ibang gasolina like from petron or caltex or kung ano ang available? di naman kasi lagi available ang shell lalo sa probinsya. ok lang po ba to? yung octane level ok lang din po ba na magkaiba ikarga or ipaghalo ko?
hataw ang endurance ng City! endurance drive done from Pagudpud to Manila. took me 15 hours including stop over sa Bojeador light house and kapurpurawan rock formations in Ilocos Norte plus pit stops to buy pasalubongs.
eto masaklap. kanina nabangga si misis sa isang kumag ng jeep na magbababa ng pasahero sa gitna ng kalsada. biglang tumigil si kups na jeep sa gitna. laglag ang bumper ko, angat ang hood, basag headlights. engine i think wala naman or very minimal lang (umaandar sya). radiator ok naman pero natanggal sa pagkaka-kabit sa parteng baba. electronics, power windows, side mirrors, wipers still working. walang error sa control panel like engine or water leak. insurance ko is charter ping an, so far ok naman kung ang pag uusapan eh yung road side assistance nila. Mabilis ang sagot sa hotlline ng road side assistance, towing came 1 hour after my call. tumatawag sila every now and then for updates sa towing. Dinala ko straight sa honda marcos hiway yung oto and since gabi na (6:30) bukas na daw ma-e-estimate. ang tanong ngayon is kung ok ang CLAIMS sa Charter Ping.
since this is the first time nangyari sakin to mga boss marami po akong tanong pasensya na tungkol sa step by step procedures:
1. Police report done. pero tinawagan ko po yung contact ko sa bank na kinunan ko ng car and ang advise nya is ilagay sa report lahat ng damage sa car. may mga instances daw kasi na ang kino-cover lang sa insurace is yung mga nakalagay sa police report. ang nilagay lang sa police report ko is "front bumper portion and headlight, signal light, ETC" do you think kailangan ko ipa revise yung PR ko after ma estimate ng casa?
2. after po ma estimate at matapos ang police report ano po ang mga dokumento na kailangan ko pa ihanda?
3. required documents complete. ano po ang next step? File po ba ng claim sa insurance? do i need to go personally sa office nila to file a claim or magdadala sila ng agent?
4. mga gano katagal bago ko makuha ang LOA from insurance company? yung oto ko nasa casa, estimate nila, pasa ko sa insurance and wait for LOA. during those time nasa casa ang kotse ko, babayaran ko ba yung mga araw na nandon sa casa oto ko at nag aantay ng approval? or iuuwi ko muna kotse ko?
5. misis ko po ang driver during the accident, ako po ang owner. ok po ba sa insurance to? (di ko po sya kasama nung nangyari ang banggaan)
6. siya po bumangga sa jeep? pasok po ba sa insurance to?
7. any other advise po i would really appreciate. salamat po
magkano inabot ng 30kms/2.5 year PMS nyo? Nagpunta si misis sa Honda Pasig and she saw this;
She did not ask for an official quote (signed) though. Sa Marcos Hiway ang quote nila is 6k+ pero di ko pa nakikita, paaalis ko optionals pero i doubt kung aabot sa price ng honda pasig based sa picture.
supported po ba ng city natin ang mirrorlink system?
i wanna try to mirror S7 edge phone sa head unit ng 2015 City VX ko, but i dont have yet any idea how to do that.
anybody here wanna share pano magmirror ng phone (s7) sa head unit natin? the reason is, meron kaming upcoming long road trip soon and yung isang anak kong lalaki na makulit (2 years old) eh medyo mainipin, para sana malibang sya pag natraffic kami.
i have'nt tried it yet nagbabasa basa pa lang ako sa internet wala pa kasi akong access sa car (OFW here), para sana pag uwi ko alam ko na gagawin ko.
Good day, tanong lang po ako if normal lang yung na eexperience ko.
Yesterday kasi sobrang traffic sa area namin dahil sa road works.
Naisipan kong gamitin yung park mode para di na muna ako tumapak sa brakes, kasi 140 seconds din yung red light. Tapos nung aalisin ko na sa park mode, bali tinapakan ko muna yung brakes, nakarinig ako ng parang "tok" sound parang pag tina-tap mo yung plastic sa baba ng gear shifter.
Sinusundan ko yung tunog, linagay ko kamay ko sa bandang shifter, yung kung san yung mga P R N D S, pinatong ko kamay ko dun (nasa park mode pa din), tapos pinipindot pindot ko yung brakes, tumutunog yung "tok" sound, tapos nararamdaman ko yung vibration ng tok sound sa kung san nakalagay yung kamay ko.
Nangyayari lang po sya sa Park Mode, kaya naisip ko na din itanong dito if ako lang ba yung may situation na yun or ganun talaga sya. Bago ko ireport sa casa, baka kasi ganun naman talaga yun kasi park mode tapos brakes.
mga sir, napansin ni misis na ang bilis lumambot ng isang tire ko (front, drivers side) 3-5 psi everyday na magpapahangin sya. sabi nya may bulge sa gilid ng gulong im not sure yet kung sa sidewall mismo, inaantay ko yung picture na ipapadala nya, i will share it to you pag natanggap ko na.
ano po ba dapat gawin? call honda for warranty claim or call insurance para sa claim? covered po ba ng warranty or insurance to? kung sidewall ang tama malamang magpapalilt na ako ng gulong. ano po ang recommended na gulong na ipalit? and how much po ang damage? ok lang ba ng ibang brand ng gulong yung isa? (hehe sorry newbie) or ok lang lang ba na isa lang ang palitan? (i mean, dapat ba pair ang ipalit?)
mga boss palitin na daw brake disc ko according sa honda marcos hiway. kaso ang quote nila is almost 6k. plano ko sa labas ko nalang pagawa hindi na sa casa. any advise po kung magkano ang average price pag sa labas ko pinagawa? kung pwede recommend na din kayo maayos na auto shop preferrably sa rizal area (im from antipolo) anywhere in rizal ok sakin or sa marikina siguro.