New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 9 FirstFirst 12345678 ... LastLast
Results 31 to 40 of 88
  1. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    138
    #31
    Actually sir madami ng news regarding vios carnapping. 1 VCP member's ride was forcibly taken sa harap mismo ng isang convenience store and his plate number was one of those recovered sa nahuling civic sa Makati dati. AFAIK it was in the news also the 2 forum members na nakuhanan din. Di lang masyado nabibigyan ng attention dahil di kilala mga may-ari. Kadalasan kase ang pinapansin lang ng tao yung may involved na celebrity. IMHO kahit ano sasakyan mo nowadays delikado ka dahil wala namang pinipili yang mga yan basta maibebenta pwede. Mas hot lang yung iba dahil sa piyesa or in-demand sa market nila. Pero kahit sidecar lang yan iwanan mong walang lock sa labas kinabukasan for sure wala na yan. Ganyan na kalala ngayon.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,070
    #32
    Old Corolla big body is also a favorite...

    http://www.abs-cbnnews.com/video/nat...s-carjacker-qc

    Mekaniko ng taxi naging carjacker sa QC

    Hindi makapaniwala si "William," isang dating police official, na pag-iinteresan pang karnapin ang kanyang 1997 Toyota Corolla.

    Alas-8:30 Linggo ng gabi, ipinarada ito ng kanyang anak sa loob mismo ng SM Fairview.

    Habang siya'y namimili, dumating ang suspek, na umaasta pa raw na tila may kausap sa cell phone, habang binubuksan na pala ang pintuan ng kotse gamit ang isang bungkos na susi.

    "Siguro, hinahanap niya siguro iyong ticket. Dala naman ng anak ko iyong ticket na iyon. So iyong carnapper lumabas pero namo-monitor pa ng security guard nila," ani William.

    Kasabay lang nito ang pagkakarekober naman kagabi sa pulang 1992 Toyota Corolla na pag-aari ng negosyanteng si Marites Del Mar.

    Tinangay ito noong Sabado ng hapon sa parking area naman ng Robinson's Mall sa Novaliches.

    Ayon sa mga awtoridad, bahagi ng modus operandi ang karnapin muna ang sasakyan bago tuluyang chop-chopin ang bahagi nito.

    Iisa lang ang suspek sa parehong kaso: ang nahuli sa SM na si Bryan Quinio, isang taxi mechanic, na umamin sa ginawa.

    Mga lumang Toyota Corolla raw ang kanyang target dahil madali itong buksan gamit ang iba't ibang susi ng mga taksing kinukumpuni niya.

    Narekober din sa kanya ang isa pang dark blue na Toyota Corolla, na gamit umano niya sa paghahanap ng makakarnap.

    Magpapaalala naman ang Quezon City Police District sa mga motorista na laging dalhin ang inyong mga parking ticket, at maglagay ng mga anti-carnapping device sa inyong mga sasakyan. Doland Castro, Patrol ng Pilipino

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    430
    #33
    Thank God I own an old orphaned German car....

  4. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    183
    #34
    Base sa mga sinulat nyo in random order:
    1. Toyota Vios
    2. Toyota Land Cruiser
    3. Toyota Fortuner
    4. Toyota Corolla big body
    5. Hyundai Starex
    6. Isuzu Crosswind/Sportivo
    7. Nissan Urvan
    8. Mitsubishi L300
    9. Honda Civic

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #35
    punyemas, akala ko mga bigtime cars lang ang kinukuha. tapos nung nakita ko yung bigbody at l300, nanlambot ako..

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,070
    #36
    Also add the Montero Sport to the list... Yung Corolla big body naman, 20+ year old na at mahirap humanap ng original parts para dito.

    http://www.gmanews.tv/video/72934/24...sa-camp-olivas

  7. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    14
    #37
    Quote Originally Posted by nic View Post
    Base sa mga sinulat nyo in random order:
    1. Toyota Vios
    2. Toyota Land Cruiser
    3. Toyota Fortuner
    4. Toyota Corolla big body
    5. Hyundai Starex
    6. Isuzu Crosswind/Sportivo
    7. Nissan Urvan
    8. Mitsubishi L300
    9. Honda Civic
    10. Ford Fiera - pahabol ito

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,410
    #38
    Quote Originally Posted by p_borj View Post
    punyemas, akala ko mga bigtime cars lang ang kinukuha. tapos nung nakita ko yung bigbody at l300, nanlambot ako..
    Ibig sabihin nito wala na silang pinagpipilian ngayon, basta na trip yun auto mo wala ka na magagawa.

  9. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    14,181
    #39
    Ford Fiera???? Diba ang luma na nun, ano gagawin ng car nappers duon?

  10. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    14,181
    #40
    Quote Originally Posted by p_borj View Post
    punyemas, akala ko mga bigtime cars lang ang kinukuha. tapos nung nakita ko yung bigbody at l300, nanlambot ako..
    Bigbody for obvious reasons those parts can be sold to taxis... So yeah one reason not to get a taxi car!

    L300 favorite getaway vehicles kasi marami makakasakay...

Page 4 of 9 FirstFirst 12345678 ... LastLast
What are the most carnapped vehicles in the Philippines?